Noon di’y nagsimula siyang mangaral
sa mga sinagoga na si Jesus ang Anak ng Dios.
-Mga Gawa 9:20
Hinati noon sa dalawa ang lunsod ng
Berlin, at may malaking pader na nakapagitan sa kanila. Pero sa pagbisita ko sa
Berlin, wala na ang pader na iyon. Habang naglalakad kami ng aking kaibigan sa
lugar kung saan ay dating nakatayo ang pader na iyon, nagkuwento Siya tungkol
sa mga karanasan niya habang nakatayo pa ang pader. Parang imposible daw noon
na papayagan ng mga pinuno sa kabila ng pader na magiba ang pader na iyon.
Isinama daw niya noon ang kanyang mga
anak para tingnan ang pader at sinabi sa kanila, “Tingnan niyong mabuti ang
pader na iyan. Kapag kayo ay lumaki na at nagkaroon ng sariling anak, nandiyan
pa rin iyan.” Wala pang isang taon, giniba na ang pader. Sinabi ng aking
kaibigan ang natutunan niya – wala pa lang imposible.
Nang panahon ng Bagong Tipan, inuusig
ni Saulo ang mga taong sumampalataya kay Jesus. Maaaring iniisip noon ng mga
tao na imposibleng sumampalataya si Saulo kay Jesus. Pero mababasa natin sa Mga
Gawa 9:1-9 na naging mananampalataya si Saulo nang biglang nagpakita sa kanya
si Jesus. Mula noon, nagbago na si Saulo. Marami ang nagulat nang magsimula
siyang mangaral ng Magandang Balita tungkol kay Jesus.
Kung may kakilala ka na sa tingin mo
ay walang pag-asang magbago, alalahanin mo na walang imposible sa Dios.
Isinulat ni David Mc Casland
“Ang
kapangyarihan ng Dios ay kamangha-mangha;
Ang
imposible sa tao’y kayang-kaya Niya;
Huwag
iisipin na ‘di Niya magagawa
Ang baguhin
ang ugali ng taong napakasama.”
TANDAAN LAGI NA WALANG
IMPOSIBLE SA DIOS.
No comments:
Post a Comment