Kayo lamang ang Dios… iligtas po
Ninyo kami para malaman ng buong daigdig na Kayo lamang ang Dios.
-2 Mga Hari 19:19
Karamihan sa mga tao, kapag may
hinaharap na problema, gusto nila agad na makagawa ng solusyon. Pero kung ang nagtitiwalaa
sa Dios ang nagkakaproblema, dapat nananalangin muna siya para masolusyunan
ito.
Si Hezekias ay isa sa pinakamagaling
na hari ng Juda. Ibinalik niya ang pagsamba sa Dios sa kanilang bansa matapos
maghari ang kanyang masamang ama (2 Mga Hari 17:3-4). Ngunit nang salakayin
sila ng hukbo ng Asiria, ibinigay niya ang lahat ng ginto mula sa templo upang
hindi sila tuluyang sakupin ng mga ito. Pero hindi pa rin nasiyahan ang hari ng
Asiria dito at nagbanta siyang sasalakay muli.
Kaya nanalangin si Hezekias, “Kayo
lamang ang Dios sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa… Iligtas po ninyo kami
para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang kaisa-isang Dios” (2 Mga Hari
19:15-19). Nang nanalangin si Hezekias, iniligtas sila ng Dios sa mga kaaway
(tal.35-37).
Mayroon ka bang mabibigat na problema
ngayon? Maaaring nawalan ka ng trabaho, magulo ang pamilya o kaya naman ay may
malubhang karamdaman. Mayroon tayong makapangyarihang Dios na maaari nating
mapagdulugan ng ating mga problema. Bago gumawa ng anumang solusyon, alalahanin
muna na manalangin.
Isinulat ni C.P Hia
“Ang
panalangin, may magandang idinudulot,
Lumalakas
ang loob, napapawi ang takot,
Maging
kasamaan ay nakakayang pigilin,
Kaya
nararapat na laging manalangin.”
KAPAG MAY PROBLEMA, ANG PANALANGIN
ANG DAPAT NA UNANG TUGON AT HINDI PANGHULING SOLUSYON.
No comments:
Post a Comment