Nagpatuloy ako tungo sa mithiin para
sa gantimpala.
-Filipos 3:14
Si Matt Emmons ay nagkamit ng gintong
medalya sa paligsahan sa pagbaril noong 2004 sa Olympics. Inaasahan na mananalo
siyang muli sa isa pang laban dahil napakalaki ng lamang niya sa iba. Sa huling
pagbaril niya, nasapul niya sa sentro ang target kaya lang maling target pala
ang inasinta niya. Kaya pangwalong puwesto lang ang nakamit niya doon.sa
Ipinakita ni Pablo sa Filipos 3:14 na
mahalagang ituon ng mga Cristiano ang kanilang isipan sa tamang ‘target’ o
layunin sa buhay. Nakatuon ang isipan ni Pablo sa target o mithiin kaya
nagpapatuloy siya hanggang kamtin ang gantimpala.
Sa orihinal na wika ng Bagong Tipan,
ang salitang ‘mithiin’ sa ilustrasyon ni Pablo tungkol sa isang mananakbo ay
siya ring salita na ginagamit nila sa target ng mga pumapana. Sa pagtakbo at
pagpana, kailangang ituon ng manlalaro ang paningin sa tamang target o
direksiyon para manalo. Sa mga Cristiano naman, ang dapat nilang pagtuunan ng
pansin ay ang maging katulad ni Cristo (Roima 8:28-29, Galacia 5:22-23).
Saan nakatuon ang iyong isipan
ngayon? Sa pagsusumikap ba para makaangat sa buhay? Maling target iyon. Kung
nagtitiwala ka kay Cristo, ang tamang ‘target’ sa buhay ay ang maging katulad
Niya (2 Corinto 3:18). Dapat tiyakin na tama ang ‘target’ na ating inaasinta.
Isinulat ni Dennis Fisher
“Pinakamimithi
ng aking puso
Ay maging
katulad ni Cristo,
Pinakahahangad
kong maranasan
Si Cristo ay
matularan.”
UPANG MAGING MAKABULUHAN ANG IYONG
BUHAY, GAWING MITHIIN SA BUHAY ANG MGA LAYUNIN NG DIOS.
No comments:
Post a Comment