Wednesday, August 3, 2016

NAKALALASONG PAMUMUHAY

Kamangmangan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos ng Panginoong Dios.
-1 Samuel 13:13

Ang Picher ay isang abalang bayan noon sa America. Marami ditong namiminang tingga at zinc. Bagamat maunlad ang bayang ito dahil sa pagmimina, nagdudulot naman ang minahan ng grabeng polusyon. Dahil dito, unti-unting bumagsak ang Picher. Hanggang sa dumating ang panahon na iniutos ng gobyerno na abandonahin na ang bayang ito dahil sa nakalalasong polusyon dito.

Ang pag-unlad at tagumpay ay lubhang nakakaakit. Minsan, nabubulag tayo sa mga panganib na kaakibat nito. Ganito ang nangyari kay Saul, ang hari noon sa Israel. Nagsimula siya bilang mabuting hari. Pagkatapos ng ilang panahon, nasilaw siya sa kanyang tagumpay at hindi niya nakita ang panganib sa kanyang ginagawa. Sa halip na sundin ng lubos ang utos ng Dios, sinunod niya ang sarili niyang pamamaraan. Dahil sa pagsuway niya, binawi ng Dios ang kaharian sa kanya (1 Samuel 13:13-14).

Kailangan nating maging maingat sa mga ginagawa natin para umunlad sa buhay. Maaari tayong mailayo nito sa Dios. Siguradong babagsak tayo kung kakaligtaan natin ang Dios ang Dios at hindi natin Siya susundin.

Habang nasa daan ng tagumpay, laging mamuhay ng tama. Ito ang panlaban sa polusyong nakalalason sa ating pamumuhay.

Isinulat ni: Dave Brannon

“Nagbigay ang Dios ng mga utos,
Na dapat nating sundin nang lubos;
Sariling pamamaraa’y ‘di dapat ipagpilitan,
‘Pagkat kabigua’y tiyak na mararanasan.”

SA DIOS LAMANG MATATAGPUAN ANG TUNAY NA TAGUMPAY.


No comments:

Post a Comment