Magkakaroon ako ng lakas ng loob na
ipangaral si Cristo para sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko Siya’y
maparangalan.
-Filipos 1:21
Ayon sa ilang aklat at liham na
isinulat noon, si Pablo na apostol ni Jesus ay pinugutan ng ulo at inilibing sa
Roma. Noong 2009, may mga siyentipikong nagsuri ng mga sinasabing mga labi ni
Pablo. Napatunayan nila na ang mga buto ay noong kapanahunan ni Pablo ngunit
hindi naman nila masigurado kung kay Pablo nga ang mga iyon. Pero kahit saan
man nakalibing si Pablo, hindi naman ito gaanong mahalaga. Ang mas mahalaga ay
ang ‘puso’ o naisin ni Pablo. Makikita natin ito sa mga sulat niya na mababasa
sa Bagong Tipan.
Habang nakakulong si Pablo sa Roma
noon, sumulat siya sa mga mananampalataya sa Filipos. Isinulat niya ang layunin
niya sa buhay. “Malaki ang hangarin at pag-asa ko na hindi ako mapapahiya,
kundi… magkakaroon ako ng lakas ng loob na ipangaral si Cristo para sa
pamamagitan ng buhay o kamatayan ko Siya’y maparangalan. Sapagkat para sa akin,
ang buhay ko ay para kay Cristo at kung mamatay man ako kapakinabangan ito sa
akin dahil makakapiling ko na Siya (Filipos 1:20-21).
Nawa’y maging katulad tayo ni Pablo
na masidhi ang pagnanais na maipangaral at maparangalan si Cristo. At kahit
pumanaw na tayo, nawa’y makaimpluwensya pa rin ang ating buhay sa iba katulad
ni Pablo.
Isinulat ni David Mc Casland
“Araw-araw
po kitang paglilingkuran,
Anuman ang
mangyari, susundin ang ‘Yong kalooban.
Nawa ako’y
maging tapat at totoo,
Laging
nagtitiwala at nakalulugod sa’Yo.”
DAPAT NAKIKITA SI CRISTO SA ATING
BUHAY.
No comments:
Post a Comment