Ito ang Aking katawan na inihahandog
para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.
-1 Corinto 11:24
May isang sementeryo na malapit sa
Washington D.C. sa Amerika na tinatawag na Arlington National Cemetery.
Araw-araw, mahigit kumulang 25 sundalong Amerikano ang inililibing doon. May
mga retirado pero mayroon ding namatay sa labanan.
May isang grupo ng mga sundalong
Amerikano na nakadestino sa Arlington. Trabaho nilang tumulong sa paglilibing
at pagpaparangal sa mga kapwa nila sundalo na doon ililibing. Hindi naman mapanganib ang tungkulin ng mga sundalong
nagtatrabaho sa Arlington, pero nakakalungkot ito. Araw-araw nilang inaalala
ang mga nagbuwis ng kanilang buhay upang maligtas sa panganib ang mga tao sa
iba’t ibang panig ng mundo.
Si Cristo naman ay namatay upang
maligtas sa kasalanan ang lahat ng sasampalatay sa Kanya. Inaalala natin ang
ginawa Niyang ito sa pamamagitan ng Banal na Hapunan. Noon malapit na Siyang
mamatay, inutusan ni Jesus ang mga sumampalataya sa Kanya na ganapin ang Banal
na Hapunan bilang pag-aalaala sa Kanya (1 Corinto 11:24). Ngunit ang
pag-aalaala natin sa sakripisyong ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi dapat
hanggang Banal na Hapunan lamang. Sikapin rin nating alalahanin at parangalan
Siya sa pamamagitan ng ating pamumuhay araw-araw.
Isinulat ni: B.Crowder.
“Salamat,
salamat, O Panginoong Jesus,
Na kayo’y
namatay para sa akin, doon sa Krus;
Tulungan
Ninyo po ako na laging alalahanin
Ang Inyong
ginawang pagliligtas sa akin.”
DAHIL NAMATAY SI CRISTO PARA SA ATIN,
MAMUHAY TAYO PARA SA KANYA.
No comments:
Post a Comment