Wednesday, August 3, 2016

MAGANDANG BALITA

Hindi tama itong ginagawa natin. Magandang Balita ito at hindi dapat sarilinin.
-2 Mga Hari 7:9

May kaibigan ako noon na ang pangalan ay Graham. Bulag siya, pero sa kabila nito ay hindi niya iniisip na dapat siyang kaawaan. Sa halip, naging masipag siya sa pangangaral sa iba ng Magandang Balita na kung sasampalataya sila kay Jesus, patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan at pupunta sa langit kapag namatay.

Sa 2 Mga Hari 7, may mababasa tayo tungkol sa apat na ketongin. Galing sila sa isang lunsod na pinalibutan ng mga kalaban. Minsan, pumunta ang mga ketongin sa kampo ng kalaban at natuklasan na nag-alisan na pala ang mga kalaban at maraming naiwang pagkain. Nang kinukuha na ng mga ketongin ang kanilang gusto, naisip nila na maraming tao sa kanilang lunsod na walang pagkain. Sinabi nila, “Hindi tama itong ginagawa natin. Magandang Balita ito at hindi dapat sarilinin (tal.9). Kaya bumalik sila at ipinamalita ang natuklasan nila. Tulad ni Graham, hindi nila sinarili ang magandang balita na kanilang nalaman.

Hindi naging hadlang kay Graham at sa mga ketongin ang kanilang kalagayan. Sa halip na sarilinin ang magagandang balita na kanilang nalalaman, ibinalita pa nila ito sa iba.

May kakilala ka ba na hindi pa sumasampalataya kay Jesus? Ipaalam mo sa Kanya ang Magandang Balita. Huwag kang magdahilan o magsabing hindi mo iyon kaya. Gawin mo na lang!

Isinulat ni C.P. Hia

“O Panginoon, kami’y Inyong tulungan
Na magbigay ng pag-asa sa sanlibutan;
Mga taong nagdurusa’y aming bahaginan
Ng magandang balita patungkol sa kaligtasan.”


BILANG PASASALAMAT SA DIOS SA PAGLILIGTAS NIYA SA ATIN, ITURO NATIN SA IBA KUNG PAANO SILA MALILIGTAS.

No comments:

Post a Comment