Sunday, April 10, 2016

MY BIRTHDAY MESSAGE

 “si Yna ay hirap sa subject ng Filipino na paglikha ng tula at subject sa English na poetry kaya siya ay nilapitan ng dalawang guro at tinanong kung anong problema. Si Yna ay tumugon, “mahina po ang imahinasyon ko, pero maaari po bang pagawain ninyo ako ng tula patungkol kay Cristo? Marahil ay makakabuo ako.”

Minsan nais kong pasalamatan ang Diyos pero sa palagay ko kulang talaga ang letra para gawin ito.  Minsan din nais ko Siyang purihin pero sa palagay ko rin ay kulang ang buong maghapon para awitan Siya. At minsan ay nais ko sabihin sa Kanya kung gaano ko Siya kamahal pero kapag naiisip ko lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa Kanya noon ay bigla akong nahihiya at pinag-iisapan pa kung sasabihin ko ba ang “I Love You, Lord.” Pero siguro kahit kulang ang letra, awit at salita ay dapat ko pa ring sabihin ito…
“PANGINOON, WALA PONG KASALANAN, PAGKAKAMALI, PAGKUKULANG, PAGSUWAY ANG MAAARING MAKAPAGHIWALAY SA AKIN SA PAG-IBIG MO. Salamat pong muli sa pagsama mo sa akin sa loob ng isang taon at sa muli mong pagsama sa akin sa mga darating pang yugto ng buhay ko.  Alam ko po na sobrang napaligaya ng mga kaibigan ko ang puso mo ngayon sa pamamagitan ng mga tulang ginawa nila. ‘di po biro mag-isip ng isusulat pero naging madali ito para sa kanila, dahil kagaya ni Yna, ang bumuo ng tula para kay Cristo ay madali dahil nag-uumapaw ang puso namin ng pag-ibig para sa’Yo. Sa nagmamahal, ang isang bagay na mukhang imposible ay nagiging posible…YhangCabrera.

1.Dear Ate Mins,
Helo to a bubbly, shiny and happy person;
You were very dear to me.
Your love for me was wonderful,
More wonderful than that of men.
2.Dear Kuya Mark,
Hello to a man of integrity and feared God more than most people do.
May you be blessed; You will do great things and surely triumph!
3.Dear Ading Pranz, Rico? XD
May the Lord repay you for what you have done – embracing JIOS forever. May you be richly rewarded by the Lord, for under His wings
You have come to take refuge.
4.Dear Ading Abelardz : D
Sa plano ng Dios may naghihintay sa’yo,
Isang mahalagang gawaing tanging para sa’yo lamang;
Kung paanong ang mga planeta ay may itinakdang dapat ikutan’
Gayon din ikaw ay lalago para punuan ang dapat mong kalagyan.
5.Dear Ading Balagtas “Junico” : )
May kanya-kanya tayong sariling misyon;
Pagtatatag, pagtuturo o pagpapalakas sa iba sa pamamagitan
Ng pag-awit o paglikha ng mga tula o sulat mula sa puso ng Dios.
Hindi man malinaw pa sa iyo ang eksaktong gagawin,
Sigurado pa ring may nakalaan na dakilang bagay
Ang Dios para sa iyo. Exciting ‘ di ba?

Dear mga BFF’s “BestFriendForever”,
Maraming salamat po sa buhay ninyong lima. May we continue to love the Lord our God, to walk in obedience to Him, to keep His commands, to hold fast to Him, and to serve Him with all our hearts and with all our souls.
AGAIN…Sobrang bless po talaga ako sa buhay ninyong lima. May we continue to observe what the Lord our God requires: Walk in obedience to Him and keep His decrees and commands, His laws and regulations. We must do this continually so that we may prosper in all we do and wherever we go.

“Good health to every one of us and to our households! And great prosperity to all that we have! We must forget the past and let us move forward for God is doing a new thing! 2016 is one of our best years!

MALUSOG ANG PUSONG ANG ITINITIBOK
AY PAG-IBIG PARA KAY HESUS.
“Mga paghihirap na ating pinapasan,
Pagsubok, lumbay at kabalisahan;
Ito’y nararanasan upang ating malaman,
Na tayo’y malakas tuwing sa Dios nananangan.
Bagyuhin man tayo ng problema sa buhay,
Maging panganib man laging umantabay,
Makakasiguro na ang Dios ay nakabantay
Sa lahat ng oras Siya’y ating kaagapay.
Sa panahong nanghihina tayo,
Sumandal tayo sa Panginoon;
Sa panahon ng kabalisahan,
Ang Dios ang tanging sandigan.”

SI HESUS ANG ATING FOREVER
Naglaho na ang sandali ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Ibibigay ko ang puso ko sa’Yo ng buong-buo.”
Naglaho na ang araw ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Kahit anong mangyari hindi ako bibitaw sa’Yo.”
Naglaho na ang oras ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Walang iwanan hindi ako lalayo.”
Lumipas ang panahon ang mga pangako’y napako;
Pero Siya’y hindi nagbago.
Sa bawat sandali’y ramdam ko na ang puso Niya’y
Buong-buo pa rin sa pagtibok ng pag-ibig para sa akin;
Sa bawat araw’y ramdam ko na ang Kanyang mga kamay
Ay hindi bumibitaw sa aking mga kamay;
Sa bawat oras ay ramdam ko na Siya’y nasa tabi ko,
Hindi ako iniiwanan, hindi ako nilalayuan.

Siya ay si HESUS.
Ang ating FOREVER.
-ateyhang.

Tara kanta tayo!

WALA KANG KATULAD
Berso:
Awitin ko man lahat ng awit sa mundo
Hindi kayang ilarawan ang kadakilaan Mo
Kulang ang mga TULA
Kulang maging mga salita
Upang ihayag ang kabutihan Mo…
Koro:
Wala Kang katulad
Wala nang hihigit sa’Yo
Wala Kang katulad
Wala nang papantay sa’Yo
Ikaw ang Diyos noonpaman
Maging ngayon
At kailanman
Sa habang panahon

Wala kang katulad

CHRIST'S LETTER

Anak,

Ako ay labis na nagagalak
Sa tulang ginawa mo para sa akin,
Dahil dito ay aking ipinapangako
Na ika’y paliligayahin habang ika’y nabubuhay.

Huwag kang matakot, Ako’y sasaiyo
Hindi dapat mangamba ‘pagkat ang Dios mo’y Ako,
Palalakasin Kita, tutulungan at hahawakan
Ng Aking mga kamay na makapangyarihan.

Kung ang Salita Ko ay iyong iniibig
Paglagong espirituwal iyong matatamasa
At kung sa puso mo ito’y laging iingatan,
Pupuspusin ka nito ng tunay na kagalakan.

Maraming taon ang nakalipas nang ika’y nagdesisyon;
Iyong ipinasyang sumunod sa Akin;
Mula noon ay Ako na ang sumubaybay
Sa daang tinatahak mo sa iyong buhay.

Kung mga pagsubok ay iyong mararanasan,
Ako ang dapat mong pagtiwalaan;
Ipapamalas Ko ang Aking kabutihan,
Ang sa Aki’y susunod ‘di Ko iiwan.

Ang panahon ay pabagu-bago
Gayundin ang buhay ng tao,
Masama man ang takbo ng mundo,
May dakilang plano Ako para sa iyo.

Ang paglilingkod mo sa Akin,
Maaaring ‘di mapansin ang mga iyon,
Pero pagharap mo sa Akin,
Malaking gantimpala ang iyong matatanggap.


Ang pag-ibig Ko sa iyo’y walang-hanggan
‘Di tayo mapaghihiwalay ng kahit sinuman;
Buhay ko ay inialay para ika’y tubusin,
Kaya ikaw ngayo’y pag-aari ko na.

Ako ang nararapat mong lapitan,
Kapag nalulungkot at nasasaktan;
Gabay at lakas ikaw ay bibigyan,
Mayroon pang dagdag na kapayapaan.

Akong Panginoon mo ay totoong kaibigan;
Anumang problema Ako’y mapaghihingahan,;
Mga sulirani’y sa Aki’y idalangin,
Tutulungan Kita sa iyong pasanin.

Habang tinatahak mo ang buhay na ito,
Araw-araw ay lagi Kitang sinasamahan,
Bagamat paliku-liko ang iyong dinadaanan,
‘Di ka maliligaw hindi Kita iiwan.

Sa iyong takbuhin sa pagganap ng Aking kalooban,
Pagsusumikap at pagpupunyagi ay ibigay nang todo;
Pasisiglahin ka ng katotohanang ito,
Na ang iyong panalo ay “Para kay Cristo!”

Para sa AKIN.

Nagmamahal,

Panginoong Hesu-Cristo.

KULANG PA ANG AKING BUHAY

KULANG PA ANG AKING BUHAY
Isinulat ni: Almina Hizon Malabanan

Minsan akala ko ay sapat na ang naialay kong buhay;
Subalit sa dami ng magagandang bagay na ginawa Mo, Panginoon
Aking napatunayan na kulang na kulang pa ang buhay
Na aking ipinaglingkod sa Iyo.
Paano masusuklian ang habag Mo o o Dios?
Habag Mo kailanma’y hindi nauubos;
Paglilingkuran kita at mamahalin,
Sa abot ng aking makakayang gawin.

Minsan lubos ang kalungkutang nadarama,
Dahil sa aking mga nakikita at naririnig;
Ngunit minsa’y hindi ko man lang naisip
Na mas higit at dakila ang mararanasan sa Iyong piling.
Si Jesus ay namatay bilang kapalit ko;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?
Tinungo Niya ang Krus doon sa Kalbaryo;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?

Salamat, Panginoon sa Iyong pagmamahal,
Isang pagmamahal na walang kaparis at walang katulad;
Ang tangi ko lamang magagawa ay papurihan Ka
Sa paraang aking alam.
Nais kong ipabatid sa Iyo, Panginoon
Ang aking pagmamahal na abot hanggang panghabang panahon,
At isang pasasalamat na hindi matatapos;
Sa lahat-lahat ng Iyong ginawa para sa akin.

Lalakad ako kasama Mo aking Panginoon;
Hahawak sa kamay Mo sa buong panahon;
Panatilihin Mo po ang aking katapatan,
Hanggang marating ko ang Iyong kaharian.

-atemins.


PASASALAMAT SA ITAAS

PASASALAMAT SA ITAAS
Isinulat ni: Abelardo Mabeza Aguilar

Minsan ng tumakbo sa isipan ko na, “ totoo bang mayroong Diyos?
Diyos na nagpapagaling ng iba’t ibang uri ng sakit at karamdaman?
Nabubuhay pa ba ang sinasabi ng maraming mangangaral na,
“Ang Mesiyas na nag-aalis ng kahirapan at pagdurusa?
Iyan ang mga katanungan sa aking sarili na hindi ko masasagot
kung hindi Niya ako kinahabagan.

Panginoong Hesu-Cristo,
Minsan nais kitang pasalamatan ngunit kulang ang salita
upang sabihin ito sa’Yo ng lubusan;
Minsan nais kitang purihin ngunit kulang ang bawat sandali
upang awitan at purihin ka;
Minsan nais kong sabihin muli na mahal Kita ngunit sa sarili ko’y tanong,
“ako ba’y karapatdapat?”
Ngunit kulang man ang kataga upang maiparating ang nais kong sabihin
dahil hindi ako karapatdapat sa harapan mo ay sasabihin ko pa ring…

Salamat sa bawat pagkakataon
na muling lumapit sa’Yo at kaawaan ako;
Salamat sa bawat araw na binibigyan mo ako ng lakas
upang Ikaw ay mapaglingkuran;
Salamat sa kahabagan at pagpapala mong inihahandog sa akin
sa bawat oras na dumaan sa buhay ko;
Salamat sa walang-hanggang pagmamahal na inilaan mo sa akin
sa kabila ng napakarami kong kahinaan, pagkukulang at pagsuway;
 Salamat sa pagpapatawad sa aking kasalanan maliit man o malaki;
Salamat na inihalintulad Mo ako sa Iyong wangis;
Higit sa lahat, aking ipinagpapasalamat na ako’y Iyong tinubos
sa sumpa ng kasalanan at iniligtas sa kapahamakan ng impiyerno.
Kulang ang mga salitang lumalabas sa aking labi
upang Ikaw ay pasalamatan, purihin at sambahin.
Ikaw ang Diyos noon, ngayon, bukas at magpakailanman.
-abe.


SALAMAT SA DIOS NG NAKALIPAS, AT NG NGAYON, AT NG BUKAS

SALAMAT SA DIOS NG NAKALIPAS,
AT NG NGAYON, AT NG BUKAS
Isinulat ni: Junico Villaverde Bato

Lubos kong pasasalamat sa Dios na nagmulat
Bagamat ako’y makasalanan
Kapatawaran Niya sa aki’y nilapat;
Kaya ako’y sobrang mapalad
Dahil mayroong Dios na nagmahal at nag-ingat;
Kaya tayo’y sumamba at sa Kanya’y magpasalamat
Dahil Siya’y dakila at karapatdapat.

Sa bawat araw na lumilipas
Kasabay ng mga sasakyang kumakaripas,
At bawat alon na humahampas,
Kailanma’y hindi nagbabago ang pag-ibig ng Dios;
Dios ng nakalipas, at ng ngayon, at ng bukas,
Ni minsa’y hindi nababawasan ang Kanyang pag-ibig,
Bagamat sadyang puso natin minsa’y nagmamatigas,
Ayaw lakaran ang tamang landas,
Ngunit pag-ibig ng Dios ay wagas,
Nararapat lamang na tayo’y magpasalamat
Dahil tayo ay Kanyang iniligtas.


-nicoh.





MAGPATULOY TAYO, KAIBIGAN

Isinulat ni: Junico Villaverde Bato

Panginoong Hesus,
Kahit ano pa ang dumating na suliranin,
At maghirap man o bumigat ang dalang pasanin;
Ay siyang lagi kong pakakaisipin na palagi Kang alalahanin,
Dahil Ikaw lamang ang sagot sa lahat ng aming dalangin.

Ika’y tunay ngang nagmamahal sa amin,
Kaya nararapat lamang na Ikaw’y luwalhatiin at sambahin;
At palagi ka naming iisipin,
Dahil Ikaw ay Dios ng kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman.

Kaibigan,
Patuloy ka lang sa iyong nilalakarang landas,
Tungo sa buhay na pagliligtas sa maraming kaluluwang
Inaagaw ni satanas;
Na tayo ang siyang magiging harang sa kanyang panghaharas
Sa mga taong liko at hindi pa ligtas;
Sa pamamagitan ng ating Dios Ama at Panginoong Hesus
Na siyang sumasaatin upang gawa ng kaaway ay mag-wakas!

Ang Dios na nagpapala na may akda ng biyaya
Ang siya ring pinagmumulan ng mga dakilang himala
Basta’t may puso kang sa Kanya’y maniwala
Tiyak ika’y mapapagpala.

Pag-ibayuhin nating maging mabuti ang lahat ng ating gagawin
Na may kalakip na buong pusong pananalangin,
Upang ang ano mang sa Dios na idadalangin
Sa pangalan ng Panginoong Hesus ang lahat ay diringgin
Ng Amang mahabagin.


-nicoh.

SINO BA AKO

Isinulat ni: Kesiah Mendigoria Cabrera

Sino ba ako upang Iyong alalahanin?
Sino ba ako upang Iyong pakinggan?
Sino ba ako upang Iyong gabayan?
At Iyong tubusin dahil sa aking mga sala.

Nang Ikaw ay dumating sa aking buhay,
Ang lahat ay tila nagbago;
Maging ang lahat ng tao ay naging malaya
Dahil Iyong nilinis ang bawat mga puso

Tunay bang kami ay Iyong iniisip?
Tunay bang kami ay Iyong iniibig?
Tunay bang Ikaw ay palaging nakahandang kami ay ibangon?
Upang taglayin ang pag-asa habang panahon?

Sa kabila ng aming mga pagsuway,
Ikaw pa rin ang naging tulong;
Sa kabila ng aming kabiguan,
Iyong ibinigay ang pagbabago.

Kulang ang mga katagang, “Salamat”
Dahil sa Iyong mga ginawa na hindi masukat;
O Dios, Ikaw lang ang nais makapiling;
Ang Ikaw ay makasama at makita ang tanging hiling.

-kish.






KULANG ANG PANGHABANG-PANAHON

KULANG ANG PANGHABANG-PANAHON
Isinulat ni: Kesiah Mendigoria Cabrera

Minsa’y ako’y tumalikod at lumayo,
Madalas masaktan at mabigo;
Naranasan ko ding madapa sa pagkakatayo;
At ibalewala ang nararamdaman ng aking puso.

Ngunit hindi maipaliwanag na kasiyahan
Ang aking naramdaman,
Sa Iyong pagdating,
Ngiting ‘di mapantayan.

O Dios na humilom ng sugat sa aking puso,
Nagpalaya sa magulong isipan mula sa pagkakabilanggo;
Nagpatawad sa aking mga kasalanan;
At nagmahal sa akin ng walang-hanggan.

Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na Ika’y pasalamatan,
Uumpisahan ko na ngayon;
Dahil sa dami ng Iyong ginawa;
Kulang ang panghabang-panahon.

Mula sa paglikha Mo sa mundo maging sa tao,
Hanggang sa pagtubos ng aming kasalanan na Ikaw ang umako;
Sa paggawa ng ‘di mabilang na himala at kababalaghan;
Nagbigay buhay, daan at katotohanan.

Kulang ang mga Salita maging ang mga kataga,
Na nagsasabing “Salamat sa lahat-lahat.”

-kish.



Saturday, April 2, 2016

PITONG PANALANGIN

PITONG PANALANGIN
I
Salamat po, Panginoon sa  Inyong  Salita
Na ginamit ninyo upang sa ami’y ipakita
Ang aming mga espirituwal na pangangailangan
Na natugunan nang kayo’y sampalatayanan.
II
Kahabagan po, Panginoon kaming Inyong lingkod
Na sa Iyo ngayo’y sumasamba
Kung minsan pa’y muling nagkasala
 Kami’y humihingi ng kapatawaran –
 Kapatawarang tanging sa’Yo lamang nagmumula
Upang kami’y muling mabago at maging sakdal sa’Yong paningin.
III
Kami po ay tulungan na sa bawat araw
Ay aming matutunang makapagbigay ng lugod
Sa inyo, Panginoon
Ito po ang dapat na maging hangarin namin.
IV
Hinihingi po namin, Panginoon ang Inyong pagsama
Nang sa gayo’y saan mang dako kami magpunta
Ikaw lamang ang siyang makita
At ang Inyong  presensya sa buhay nami’y dumaloy
Upang ang lahat ng aming makaniig
Ay maligtas, lumaya at mapagpala.
V
Turuan Niyo po kaming maging mapagpakumbaba
Nawa’y maging hangarin po namin na makilala Kayo
Maparangalan, mahalin at mapuri
Nang higit sa aming sarili.
VI
Nais naming magkaroon ng pananampalatayang matatag
Pananampalataya na ‘di kailanman matitinag
Pananampalataya na palaging mananatiling ganap
Anumang pagsubok ang aming hinaharap.
VII
Salamat po, Panginoon sa pagtugon sa’ming panalangin
Dahil Ikaw ay dakila at pinagmumulan ng mga himala
At dahil sa’ming pananampalataya sa’Yong mga Salita
Kami’y nakaranas ng ‘Yong kamanghamanghang mga gawa
Aming ibinabalik sa’Yo ang nag-uumapaw na pasasalamat
Kapurihan at wagas na pagsinta na tanging nakalaan para sa Iyo.

Amen.

Isina-tulang panalangin nina: Ading Junico at Ate Yhang.


“Sa dami ng ginagawa sa buong maghapon,
Tunay na kay bigat at nakakapagod iyon;
Ngunit ang paglalaan ng oras sa pananalangin,
Sa ati’y ginhawa ang naidudulot niyon.”
Blessings!


Ate Yhang.