Sunday, April 10, 2016

KULANG PA ANG AKING BUHAY

KULANG PA ANG AKING BUHAY
Isinulat ni: Almina Hizon Malabanan

Minsan akala ko ay sapat na ang naialay kong buhay;
Subalit sa dami ng magagandang bagay na ginawa Mo, Panginoon
Aking napatunayan na kulang na kulang pa ang buhay
Na aking ipinaglingkod sa Iyo.
Paano masusuklian ang habag Mo o o Dios?
Habag Mo kailanma’y hindi nauubos;
Paglilingkuran kita at mamahalin,
Sa abot ng aking makakayang gawin.

Minsan lubos ang kalungkutang nadarama,
Dahil sa aking mga nakikita at naririnig;
Ngunit minsa’y hindi ko man lang naisip
Na mas higit at dakila ang mararanasan sa Iyong piling.
Si Jesus ay namatay bilang kapalit ko;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?
Tinungo Niya ang Krus doon sa Kalbaryo;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?

Salamat, Panginoon sa Iyong pagmamahal,
Isang pagmamahal na walang kaparis at walang katulad;
Ang tangi ko lamang magagawa ay papurihan Ka
Sa paraang aking alam.
Nais kong ipabatid sa Iyo, Panginoon
Ang aking pagmamahal na abot hanggang panghabang panahon,
At isang pasasalamat na hindi matatapos;
Sa lahat-lahat ng Iyong ginawa para sa akin.

Lalakad ako kasama Mo aking Panginoon;
Hahawak sa kamay Mo sa buong panahon;
Panatilihin Mo po ang aking katapatan,
Hanggang marating ko ang Iyong kaharian.

-atemins.


No comments:

Post a Comment