“si
Yna ay hirap sa subject ng Filipino na paglikha ng tula at subject sa English
na poetry kaya siya ay nilapitan ng dalawang guro at tinanong kung anong
problema. Si Yna ay tumugon, “mahina po ang imahinasyon ko, pero maaari po bang
pagawain ninyo ako ng tula patungkol kay Cristo? Marahil ay makakabuo ako.”
Minsan nais kong pasalamatan ang
Diyos pero sa palagay ko kulang talaga ang letra para gawin ito. Minsan din nais ko Siyang purihin pero sa
palagay ko rin ay kulang ang buong maghapon para awitan Siya. At minsan ay nais
ko sabihin sa Kanya kung gaano ko Siya kamahal pero kapag naiisip ko lahat ng
mga nagawa kong kasalanan sa Kanya noon ay bigla akong nahihiya at
pinag-iisapan pa kung sasabihin ko ba ang “I Love You, Lord.” Pero siguro kahit
kulang ang letra, awit at salita ay dapat ko pa ring sabihin ito…
“PANGINOON, WALA PONG KASALANAN,
PAGKAKAMALI, PAGKUKULANG, PAGSUWAY ANG MAAARING MAKAPAGHIWALAY SA AKIN SA
PAG-IBIG MO. Salamat pong muli sa pagsama mo sa akin sa loob ng isang taon at
sa muli mong pagsama sa akin sa mga darating pang yugto ng buhay ko. Alam ko po na sobrang napaligaya ng mga
kaibigan ko ang puso mo ngayon sa pamamagitan ng mga tulang ginawa nila. ‘di po
biro mag-isip ng isusulat pero naging madali ito para sa kanila, dahil kagaya
ni Yna, ang bumuo ng tula para kay Cristo ay madali dahil nag-uumapaw ang puso
namin ng pag-ibig para sa’Yo. Sa nagmamahal, ang isang bagay na mukhang
imposible ay nagiging posible…YhangCabrera.
1.Dear Ate
Mins,
Helo to a
bubbly, shiny and happy person;
You were
very dear to me.
Your love
for me was wonderful,
More
wonderful than that of men.
2.Dear Kuya
Mark,
Hello to a
man of integrity and feared God more than most people do.
May you be
blessed; You will do great things and surely triumph!
3.Dear Ading
Pranz, Rico? XD
May the Lord
repay you for what you have done – embracing JIOS forever. May you be richly
rewarded by the Lord, for under His wings
You have
come to take refuge.
4.Dear Ading
Abelardz : D
Sa plano ng
Dios may naghihintay sa’yo,
Isang mahalagang
gawaing tanging para sa’yo lamang;
Kung paanong
ang mga planeta ay may itinakdang dapat ikutan’
Gayon din
ikaw ay lalago para punuan ang dapat mong kalagyan.
5.Dear Ading
Balagtas “Junico” : )
May
kanya-kanya tayong sariling misyon;
Pagtatatag,
pagtuturo o pagpapalakas sa iba sa pamamagitan
Ng pag-awit
o paglikha ng mga tula o sulat mula sa puso ng Dios.
Hindi man
malinaw pa sa iyo ang eksaktong gagawin,
Sigurado pa
ring may nakalaan na dakilang bagay
Ang Dios
para sa iyo. Exciting ‘ di ba?
Dear mga
BFF’s “BestFriendForever”,
Maraming salamat po sa buhay ninyong lima.
May we continue to love the Lord our God, to walk in obedience to Him, to keep
His commands, to hold fast to Him, and to serve Him with all our hearts and
with all our souls.
AGAIN…Sobrang bless po talaga ako sa buhay
ninyong lima. May we continue to observe what the Lord our God
requires: Walk in obedience to Him and keep His decrees and commands, His laws
and regulations. We must do this continually so that we may prosper in all we do
and wherever we go.
“Good health
to every one of us and to our households! And great prosperity to all that we
have! We must forget the past and let us move forward for God is doing a new
thing! 2016 is one of our best years!
MALUSOG ANG
PUSONG ANG ITINITIBOK
AY PAG-IBIG
PARA KAY HESUS.
“Mga
paghihirap na ating pinapasan,
Pagsubok,
lumbay at kabalisahan;
Ito’y
nararanasan upang ating malaman,
Na tayo’y
malakas tuwing sa Dios nananangan.
Bagyuhin man
tayo ng problema sa buhay,
Maging
panganib man laging umantabay,
Makakasiguro
na ang Dios ay nakabantay
Sa lahat ng
oras Siya’y ating kaagapay.
Sa panahong
nanghihina tayo,
Sumandal
tayo sa Panginoon;
Sa panahon
ng kabalisahan,
Ang Dios ang
tanging sandigan.”
SI HESUS ANG
ATING FOREVER
Naglaho na
ang sandali ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Ibibigay ko
ang puso ko sa’Yo ng buong-buo.”
Naglaho na
ang araw ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Kahit anong
mangyari hindi ako bibitaw sa’Yo.”
Naglaho na
ang oras ng ipinangako ko sa Kanyang,
“Walang
iwanan hindi ako lalayo.”
Lumipas ang
panahon ang mga pangako’y napako;
Pero Siya’y
hindi nagbago.
Sa bawat
sandali’y ramdam ko na ang puso Niya’y
Buong-buo pa
rin sa pagtibok ng pag-ibig para sa akin;
Sa bawat
araw’y ramdam ko na ang Kanyang mga kamay
Ay hindi
bumibitaw sa aking mga kamay;
Sa bawat
oras ay ramdam ko na Siya’y nasa tabi ko,
Hindi ako
iniiwanan, hindi ako nilalayuan.
Siya ay si
HESUS.
Ang ating
FOREVER.
-ateyhang.
Tara kanta tayo!
WALA KANG KATULAD
Berso:
Awitin ko
man lahat ng awit sa mundo
Hindi kayang
ilarawan ang kadakilaan Mo
Kulang ang mga TULA
Kulang
maging mga salita
Upang ihayag
ang kabutihan Mo…
Koro:
Wala Kang
katulad
Wala nang
hihigit sa’Yo
Wala Kang
katulad
Wala nang
papantay sa’Yo
Ikaw ang
Diyos noonpaman
Maging
ngayon
At kailanman
Sa habang
panahon
Wala kang
katulad
No comments:
Post a Comment