Saturday, April 2, 2016

PITONG PANALANGIN

PITONG PANALANGIN
I
Salamat po, Panginoon sa  Inyong  Salita
Na ginamit ninyo upang sa ami’y ipakita
Ang aming mga espirituwal na pangangailangan
Na natugunan nang kayo’y sampalatayanan.
II
Kahabagan po, Panginoon kaming Inyong lingkod
Na sa Iyo ngayo’y sumasamba
Kung minsan pa’y muling nagkasala
 Kami’y humihingi ng kapatawaran –
 Kapatawarang tanging sa’Yo lamang nagmumula
Upang kami’y muling mabago at maging sakdal sa’Yong paningin.
III
Kami po ay tulungan na sa bawat araw
Ay aming matutunang makapagbigay ng lugod
Sa inyo, Panginoon
Ito po ang dapat na maging hangarin namin.
IV
Hinihingi po namin, Panginoon ang Inyong pagsama
Nang sa gayo’y saan mang dako kami magpunta
Ikaw lamang ang siyang makita
At ang Inyong  presensya sa buhay nami’y dumaloy
Upang ang lahat ng aming makaniig
Ay maligtas, lumaya at mapagpala.
V
Turuan Niyo po kaming maging mapagpakumbaba
Nawa’y maging hangarin po namin na makilala Kayo
Maparangalan, mahalin at mapuri
Nang higit sa aming sarili.
VI
Nais naming magkaroon ng pananampalatayang matatag
Pananampalataya na ‘di kailanman matitinag
Pananampalataya na palaging mananatiling ganap
Anumang pagsubok ang aming hinaharap.
VII
Salamat po, Panginoon sa pagtugon sa’ming panalangin
Dahil Ikaw ay dakila at pinagmumulan ng mga himala
At dahil sa’ming pananampalataya sa’Yong mga Salita
Kami’y nakaranas ng ‘Yong kamanghamanghang mga gawa
Aming ibinabalik sa’Yo ang nag-uumapaw na pasasalamat
Kapurihan at wagas na pagsinta na tanging nakalaan para sa Iyo.

Amen.

Isina-tulang panalangin nina: Ading Junico at Ate Yhang.


“Sa dami ng ginagawa sa buong maghapon,
Tunay na kay bigat at nakakapagod iyon;
Ngunit ang paglalaan ng oras sa pananalangin,
Sa ati’y ginhawa ang naidudulot niyon.”
Blessings!


Ate Yhang.

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. ang malalin na Panalangin
    na binubulong sa Pangin
    ay naririnig ng Diyos na gumawa ng araw at Bituin
    na siyang may diin na hangaring tayo'y pagpalain
    ang sa kanyang lumalapit na may dalang hinaing
    sapagkat ang Diyos ng kahapon ngayon at bukas ay kailan ma'y hnd nangaalipin kundi tayo''y kanyang lilingapin . ^_^

    ReplyDelete