KULANG ANG PANGHABANG-PANAHON
Isinulat ni: Kesiah Mendigoria Cabrera
Minsa’y ako’y tumalikod at
lumayo,
Madalas masaktan at mabigo;
Naranasan ko ding madapa sa
pagkakatayo;
At ibalewala ang nararamdaman ng
aking puso.
Ngunit hindi maipaliwanag na kasiyahan
Ang aking naramdaman,
Sa Iyong pagdating,
Ngiting ‘di mapantayan.
O Dios na humilom ng sugat sa
aking puso,
Nagpalaya sa magulong isipan mula
sa pagkakabilanggo;
Nagpatawad sa aking mga
kasalanan;
At nagmahal sa akin ng
walang-hanggan.
Kung ako’y bibigyan ng
pagkakataon na Ika’y pasalamatan,
Uumpisahan ko na ngayon;
Dahil sa dami ng Iyong ginawa;
Kulang ang panghabang-panahon.
Mula sa paglikha Mo sa mundo
maging sa tao,
Hanggang sa pagtubos ng aming
kasalanan na Ikaw ang umako;
Sa paggawa ng ‘di mabilang na
himala at kababalaghan;
Nagbigay buhay, daan at
katotohanan.
Kulang ang mga Salita maging ang
mga kataga,
Na nagsasabing “Salamat sa
lahat-lahat.”
-kish.
No comments:
Post a Comment