Isinulat ni: Junico Villaverde Bato
Panginoong Hesus,
Kahit ano pa ang dumating na suliranin,
At maghirap man o bumigat ang dalang pasanin;
Ay siyang lagi kong pakakaisipin na palagi
Kang alalahanin,
Dahil Ikaw lamang ang sagot sa lahat ng aming
dalangin.
Ika’y tunay ngang nagmamahal sa amin,
Kaya nararapat lamang na Ikaw’y luwalhatiin
at sambahin;
At palagi ka naming iisipin,
Dahil Ikaw ay Dios ng kahapon, ngayon, bukas
at magpakailanman.
Kaibigan,
Patuloy ka lang sa iyong nilalakarang
landas,
Tungo sa buhay na pagliligtas sa
maraming kaluluwang
Inaagaw ni satanas;
Na tayo ang siyang magiging
harang sa kanyang panghaharas
Sa mga taong liko at hindi pa
ligtas;
Sa pamamagitan ng ating Dios Ama
at Panginoong Hesus
Na siyang sumasaatin upang gawa
ng kaaway ay mag-wakas!
Ang Dios na nagpapala na may akda
ng biyaya
Ang siya ring pinagmumulan ng mga
dakilang himala
Basta’t may puso kang sa Kanya’y
maniwala
Tiyak ika’y mapapagpala.
Pag-ibayuhin nating maging mabuti
ang lahat ng ating gagawin
Na may kalakip na buong pusong
pananalangin,
Upang ang ano mang sa Dios na
idadalangin
Sa pangalan ng Panginoong Hesus
ang lahat ay diringgin
Ng Amang mahabagin.
-nicoh.
No comments:
Post a Comment