Saturday, October 1, 2016

HUWAG KALILIMUTAN

Mag-ingat ka… na baka malimutan mo ang Panginoon.
-Deuteronomio 3:11

Nakakatuwa ang larawan na aking nakita. Sa ibaba ng larawan ay ganito ang nakasulat: “Ang matandang Superman.” Ang matanda nang si Superman ay nakaupo sa pasimano ng bintana at akmang tatalon nang bigla niyang maisip, “Saan ba ako pupunta?”

Lahat tayo ay nagiging malilimutin. Kung minsan, nakakatawa ang pagiging malilimutin at minsan naman ay nakakainis. Pero kapag ang Dios ang ating nakalimutan, tiyak na magkaka-problema tayo.

Pinaaalahanan ni Moises ang mga Israelita na alalahanin ang paggabay ng Dios sa kanila sa loob ng apatnapung-taon sa ilang at huwag nilang kalilimutan ang Dios sa pamamagitan ng pagsuway sa Kanyang mga utos (Deuteronomio 8:2, 11.)

Maaaring makalimutan natin ang Dios sa panahon ng pagsubok (talatang 2-4), kasaganaan (talatang 10-11) at kapag pakiramdam natin ay mayroon na tayong naabot o naisakatuparan (talatang 12-16). Kapag nagigipit tayo, madaling sabihin na para bang kinalimutan na tayo ng Dios. Kapag sagana naman maaaring isipin natin na hindi natin kailangan ang Dios.  Kung magmamataas naman tayo dahil mayroon na tayong naabot, nakakalimutan natin ang Dios.

Makakatulong sa atin ang kababaang-loob, pagsunod at pagpupuri sa Dios. Sa pamamagitan nito, maaalala natin ang pagmamalasakit at pagbibigay sa atin ng Dios ng ating mga pangangailangan. Huwag nating kalilimutang pasalamatan ang Dios sa lahat ng mga ginagawa Niya para sa atin.

Isinulat ni: D. Mc Casland

HUWAG NATING KALILIMUTAN NA SA DIOS NANGGAGALING ANG MGA PAGPAPALANG NATATANGGAP NATIN.



No comments:

Post a Comment