Saturday, October 1, 2016

TANGING PAG-ASA

Mamuhay nang… matuwid at banal… habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa.
-Tito 2:12-13

Isinulat ng isang manunulat, “Nang bago lang akong mananampalataya, masaya kong pinag-iisipan ang muling pagbabalik ni Jesus. Inaasam ito ng mga mananampalataya. Isa itong napakagandang pangako. Tema din ito ng ilan sa mga awit na kinakanta namin sa Panginoon.

Ang muling pagbabalik ni Jesus ay naging isa sa mga paborito kong paksa sa aking pagtuturo, pagmemensahe at pagsusulat. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa mundo, mas lalo pa itong naging mahalaga sa akin. ‘Mapalad na pag-asa’ ang tawag ni Pablo dito noon. Pero ngayon, kitang-kita na natin na ang pagbabalik ni Jesus ang tanging pag-asa ng mundo.

Kung tao ang ating aasahan, walang solusyon ang mga problema sa mundo. Laging bigo ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa mga solusyon nila sa mga problema ng lipunan. Ang tanging solusyon ay mangyayari sa pagbabalik ni Jesus. Pagbalik Niya, itatatag Niya ang Kanyang kaharian, pamamahalaan Niya ang mundo at “ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon” (Hebreo 2:14.)

Sa paghihintay natin sa pagbabalik ng Panginoon, lagi tayong manalangin. Paglingkuran natin Siya at maging handa “habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa” – ang tanging pag-asa ng mundong ito.

Isinulat ni: Richard de Haan

“Sa pagbabalik ng Panginoong Jesus,
Ikaw, Panginoon ay pupurihing lubos;
Ang Iyong pagbabalik ay aming hinihintay;
Buong pananabik kaming nagbabantay.”


HABANG DUMARAMI ANG KASAMAAN SA MUNDO, LALONG NAKIKITA ANG PANGANGAILANGAN NG PAGBABALIK NI CRISTO.

No comments:

Post a Comment