Saturday, October 1, 2016

MAS MAHALAGA

Ibig mo bang gumaling?
-Juan 5:6

May kilalang nobela kung saan ang unang tagpo ay sa isang lugar sa America na dumaranas noon ng matinding tagtuyot. Namatay ang tanim ng mga magsasaka at bumagsak pa ang ekonomiya. Sa kabila nito,  hindi pinanghihinaan ng loob ang mga asawa’t anak ng mga magsasaka dahil nakita nila na hindi sumusuko ang mga magsasaka. Halos wala na silang makain, pero sa halip na isipin ang kanilang mga pangangailangan, mas pinahahalagahan nila ang pagiging matatag. Mas pinahalagahan nila ang kanilang dapat harapin kaysa sa kanilang pisikal na kalagayan.

Si Jesus naman ay mayroon ding mas pinahahalagahan kaysa sa pisikal na kalagayan ng tao. Minsan, may nakilala Siyang 38-taon nang may sakit. Pinagaling ito ni Jesus, pero maya-maya ay sinabi Niya rito, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka ng gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo” (Juan 5:14). Hindi sapat para kay Jesus ang ayusin lang ang pisikal na kalagayan ng lalaking iyon. Mas mahalaga para sa Kanya na maging maayos ang espirituwal na kalagayan natin.

Kung hinahangad natin na pagpalain tayo ng Panginoon at tugunan Niya ang ating mga pangangailangang pisikal, hindi natin Siya gaanong makilala. Pero kung sasampalataya tayo sa Kanya, at hahangarin na lalo Siyang makilala, tutugunan Niya ang ating mga pangangailangang espirituwal. Ito ang lalong mahalaga.

“Salamat po, O Dios, sa Inyong Salita
Na ginamit ninyo upang sa aki’y ipakita
Ang aking mga espirituwal na pangangailangan
Na natugunan nang kayo’y sampalatayanan.”

TANGING ANG DIOS ANG MAKAKATUGON SA ATING MGA PANGANGAILANGANG ESPIRITUWAL.



No comments:

Post a Comment