Saturday, October 1, 2016

TAGAPAGBAGO

Ang sinumang lumalayo sa kasamaan ay… karapatdapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabubuting gawain.
-2 Timoteo 2:21

Nang makatapos ako ng apat na taong pag-aaral sa seminaryo, marami akong iniisip na kailangang gawin sa lugar kung saan ako magiging pastor. Naisip ko na nandoon ako para baguhin ang mga tao doon. Pero ginamit ng Dios ang mga tayong iyon para ako ang baguhin.

Maganda ang pagtrato sa akin ng mga namumuno sa grupo ng mga mananampalataya sa lugar na iyon, pero dapat akong sumunod sa mga patakaran nila. Natuto akong makitrabaho sa kanila, gawin nang maayos ang trabaho at makibahagi sa kanilang pagpaplano.

Maaaring isipin natin na inatasan tayo ng Dios para baguhin ang mga tao,  pero sa isang banda, tayo ang gusto Niyang baguhin. Nais Niya tayong maging karapatdapat sa lahat ng mabubuting gawain (2 Timoteo 2:21.) Madalas gumagamit ang Dios ng mga tao na hindi natin aakalaing gagamitin Niya para turuan tayo. Kung akala nati’y sapat na ang alam natin, nagkakamali tayo. May mga nais pang ituro ang Dios sa atin.

Kung gusto nating gamitin tayo ng Dios para baguhin ang mga kinasanayan at ugali ng iba, huwag nating tanggihan ang pagbabagong ginagawa ng Dios sa atin. Alam Niya kung ano ang makabubuti para sa atin at makapagbibigay sa Kanya ng luwalhati. Iyon ang nais Niya para sa atin.

Isinulat ni Joe Stowell

“Nais nating baguhin ang pag-uugali ng tao
Gagawin natin ito lang-alang kay Cristo;
Pero kinakailangan muna nating matuto,
Upang tayo’y maging karapatdapat na totoo.”


MABABAGO LANG NATIN ANG IBA KUNG NAGBAGO NA TAYO.

No comments:

Post a Comment