Saturday, October 1, 2016

SALAMAT SA DIOS

Sa opisina ng RBC Ministries sa America ay may mga card na maaaring ibigay sa mga ka-opisina. Sinusulatan ito ng pasasalamat o pagpapalakas-loob. Kapag may magandang ginawa ang isang ka-opisina, maaari itong bigyan ng card na may nakasulat na munting mensahe.

Masarap ang pakiramdam kung pagpasok mo sa opisina ay may makikita kang card na naglalaman ng pasasalamat o pagpapasalamat sa iyong ginawa.

Hindi ba’t mas nagiging maganda ang samahan kapag alam mong hindi binabalewala ang iyong mga ginagawa? Hindi ba’t nakakatuwa kapag napapahalagahan o pinapasalamatan ang iyong mga ginawa?

Natutuwa ang lahat kapag pinasasalamatan. Natutuwa rin ang Dios kapag pinasasalamatan natin Siya. Nais ng Dios na lagi tayong nagpapasalamat (1 Tesalonica 5:18.) Sinabi pa sa Hebreo 12:28 na pasalamatan natin Siya at sa pamamagitan nito, sinasamba natin ang Dios.

Lagi tayong humanap ng mga paraan kung paano pa natin mapapaganda ang ating relasyon sa Dios. Huwag nating kalilimutan na ang pagpapasalamat sa Dios ang isa sa mga mahalagang paraan ng pagsamba at pagpaparangal sa Kanya.

Isinulat ni: Dave Brannon

“Ang Dios ay papurihan, Siya’y parangalan
Kanya ang kaluwalhatian, karangala’t karunungan;
Mga anghel sa kalangitan, Dios ay papurihan;
Pag-ibig Niyang walang-hanggan,
Laging pasalamatan.”


ANG PAGSAMBA NA KATANGGAP-TANGGAP SA DIOS AY NAGMUMULA SA MAPAGPASALAMAT NA PUSO.

No comments:

Post a Comment