Saturday, October 1, 2016

GAWAING HINDI NAPAPANSIN

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ng gawain ang bawat isa.
-Roma 12:4

Habang nilalagyan ko ng kyutiks ang aking kamay, naawa ako sa aking kanang kamay. Hindi masyadong maganda ang pagkukuyutiks ko dito. Mas maraming trabaho ang kanan pero mas napapaganda ang kaliwa dahil hindi ko nakukuyutiksan nang ayos ang kanan.

Habang nagkukyutiks, naisip ko ang mga mananampalataya sa aming iglesya. Marami sa kanila ang magaling tumulong sa kapwa mananampalataya upang tulungan ang mga ito na maging epektibo sa kanilang paglilingkod. Pero hindi laging napapansin ang mga mananampalatayang tumutulong dahil ang atensiyon ay napupunta sa mga taong tinutulungan nila. Parang hindi naman yata makatuwiran na ang mga gumagawa ng magagandang bagay ay hindi napapahalagahan.

Pero hindi ganyan ang iniisip ng mga tunay na naglilingkod sa Dios. Mas gusto nilang pinahahalagahan ang iba.  Alam nila na gagantimpalaan ng Dios ang mga gawang hindi napapahalagahan ng mga tao (Roma 12:10; Mateo 6:4; 6:18; 1 Corinto 12:24.)

Inaani ba ng iba ang iyong pinaghirapan? Huwag kang titigil. Gagantimpalaan ng Dios ang mga taong gumagawa nang hindi napapansin, maipakilala lang si Jesus sa lahat.

Isinulat ni: Julie Ackerman Link

“Ang paglilingkod natin sa Panginoon,
Maaaring ‘di napapansin ang mga iyon;
Pero pagharap natin sa Panginoon;
May gantimpala sa takdang panahon.”


NAKIKITA NG DIOS ANG PAGLILINGKOD NATIN SA KANYA.

No comments:

Post a Comment