Saturday, October 1, 2016

MAGLIGTAS ANG TRABAHO

May kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Dios dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
-Lucas 15:10

Sa Colorado na aking tinitirhan ay maraming bundok kaya natuto akong umakyat sa bundok na mahirap akyatin. Tuwing bakasyon, may nakikita akong mga tao na aakyat sa bundok na hindi nakasuot ng angkop na damit. Kauting tubig lang ang dala nila at wala silang compass. Wala silang alam tungkol sa tamang patakaran sa pag-akyat sa bundok.

May kapitbahay kami na boluntaryong tumutulong sa paghahanap sa mga taong naliligaw sa bundok. Magligtas ang misyon nila. Inililigtas nila ang mga taong naligaw sa bundok kahit hindi sinunod ng mga ito ang tamang patakaran sa pag-akyat ng bundok.

Pagliligtas ang pinakamensahe ng Biblia. Sinabi ni Pablo na hindi tayo karapatdapat sa habag ng Dios. Tulad ng mga naligaw sa bundok, wala tayong magagawa kundi humingi ng saklolo. Binanggit niya ang sinulat sa Awit, “Silang lahat ay naligaw… walang sinumang gumagawa ng mabuti” (Awit 14:1-3; Roma 3:10-11.)

Ito ang magandang balita: Sa kabila ng ating kalagayan, hinahanap pa rin tayo ng Dios at sinasaklolohan kapag humihingi tayo ng tulong. Maaari nating sabihin na magligtas ang trabaho ng Dios.

Isinulat ni: Philip Yancey

Pag-isipan ang mga sumusunod: Bakit hindi ka humihingi ng tulong sa Dios sa iyong espirituwal na kalagayan? Akala mo ba na hindi mo Siya kailangan? Natatakot ka na hindi mo Siya kailangan? Natatakot ka ba na hindi ka karapatdapat sa biyaya ng Dios? Ano ang itinuturo sa Roma 3:23-26.)


ANG TUNAY NA PAGSISISI AY PAGTALIKOD SA KASALANAN AT PAGSUNOD SA DIOS.

No comments:

Post a Comment