Saturday, October 1, 2016

HINDI SIYA NATUTULOG

Hindi Niya papahintulutang ang paa mo’y madulas; Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
-Awit 121:3

Maikling matulog ang mga giraffe. Halos dalawang oras lang sila kung matulog sa bawat araw. Kung gayong kaikli ang tulog ng isang tao, malamang na may problema siya sa pagtulog. Pero walang problema ang mga giraffe. Nilikha sila ng Dios nang ganoon.

Kung sa inyong palagay ay kakaunti ang halos dalawang oras na tulog sa bawat araw, isipin natin ang Dios na lumikha sa mga giraffe. Hindi Siya natutulog kahit kailan.

Ipinahayag sa Awit 121:3 ang walang patid na  pagmamalasakit sa atin ng Dios, “Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi matutulog.” Sinabi pa sa talatang 5, “Ang Panginoon ay iyong tagapag-ingat.” Iniingatan tayo ng Dios at pinagmamalasakitan. Ni minsan ay hindi Siya nakaramdam ng antok. Lagi siyang kumikilos para sa ating ikabubuti. Sabi pa sa isang awit, “Nakahanda ang Dios umalalay sa iyo… Huwag mo sanang akalaing natutulog… ang Dios.”

May mabigat ka bang problema? Humingi ka ng tulong sa Dios na hindi natutulog. Ipagkatiwala mo ang bawat segundo ng iyong buhay sa Dios na “sa iyo’y mag-iingat saanman naroon; ika’y iingatan, hindi ka maaano kahit kailan” (talatang 8.)

Isinulat ni Bill Crowder

“Si Jesus ang Batong Buhay na laging matatag;
Lagi Siyang naririyan kaya dapat panatag;
Mga nananalig sa Kanya ay iniingatan Niya,
Upang Kanyang payapain ang pag-aalala nila.”

HINDI KA BIBIGUIN NG DIOS NA MAY HAWAK SA MUNDO.


No comments:

Post a Comment