Mga sinungaling na labi sa Panginoon
ay kasuklam-suklam… ang gumagawa ng may katotohanan ay Kanyang kinalulugdan.
-Mga Kawikaan 12:22
Sa maraming bansa, kinikilalang ‘Araw
ng lokohan’ ang unang araw ng Abril. Sa araw na iyon, marami silang ginagawang
panloloko o pagbibiruan sa isa’t isa. Sa Amerika naman, ‘Araw ng Katapatan’ ang
ika-30 ng Abril, pero mahalagahang pahalagahan ito.
Noong dekada 90, pinasimulan ang
pagdiriwang na ito ni M.Hirsh Goldberg na isang manunulat. Pagbibigay ito ng
daan para parangalan ang mga kagalang-galang at himukin ang mga tao na maging
tapat. Sinabi niya na kaya pinili niya ang Abril 30 na maging ‘Araw ng
Katapatan’ ay dahil naglolokohan sa unang araw ng Abril, kaya mahalagang
tapusin ang buwang ito ng sa pagiging matapat.
Para maging tapat, magandang tandaan
na tapat ang Dios at totoo ang Kanyang sinasabi (Deut.32:4; Bil.23:19;
Heb.6:18.) Dapat din nating tandaan na namumuhi ang Dios sa kasinungalingan at
si satanas ang ugat ng kasinungalingan (Mga Kaw. 6:16-19; Jn.8:44.)
Maaari nating gamitin ang Biblia
bilang gabay: “Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan (Mga Kaw.13:5)
at “Natutuwa sa katotohanan” (1 Cor.13:6.) Ang pagsisinungaling ay bahagi ng
Lumang pagkatao (Col.3:9.) Araw-arawin natin ang Araw ng Katapatan.
“Tulungan
Nyo po akong maging tapat at totoo,
Sa lahat ng
sinasabi at ginagawa ko;
Loob ko po’y
palakasin upang tama’y magawa;
Liwanag Nyo
po nawa’y maipakita sa iba.”
DAPAT MAPAGTITIWALAAN ANG MGA
SINASABI NG NAGTITIWALA SA BIBLIA.
No comments:
Post a Comment