Siya ang maging dakila at
ako nama’y maging mababa.
-Juan 3:30
Noong 1941 hanggang 1954,
si Louis B. Neumiller ang Presidente ng Caterpillar, isang kumpanya na gumagawa
ng traktora at iba pa. kilala siya sa pagiging mapagpakumbaba, may integridad
at maayos magtrabaho. Umunlad ang kumpanya nang dahil sa kanya. Sinabi sa isang
libro na ang kumpanya ang pinasikat ni Louis at hindi ang kanyang sarili.
Ginusto niyang makilala ang kumpanya sa halip na siya.
Makikita din natin ang
ganitong katangian kay Juan na tagapag-bautismo. Isa siyang mahusay na
mangangaral na ilang beses na nagsabing ang misyon niya ay ihanda ang puso ng
mga tao para si Jesus ang kilalanin. Nag-alala ang mga tagasunod ni Juan nang
malamang mas marami na ang nagpapabautismo at sumusunod kay Jesus kaysa kay
Juan pero sinabi ni Juan, “Hindi ako ang Cristo… Kinakailangang Siya ang maging
dakila at ako nama’y maging mababa” (Juan 3:28, 30.)
Bilang mga Tagasunod ni
Jesus, Siya ba ang nais nating maparangalan o ang ating sarili? Huwag tayong
madidismaya kung hindi napapansin angating mga pagtulong o ginagawa. Huwag
natin itong ikalungkot dahil ang pinakamalaki nating pribileheyo ay ang
maparangalan ang Panginoong Jesus at hindi ang ating sarili. Siya ang
karapatdapat parangalan.
-David McCasland
Panalangin: Panginoon, turuan Niyo po akong maging mapagpakumbaba.
Nawa’y maging hangarin ko po na makilala Kayo, maparangalan, mahalin at mapuri
nang higit sa aking sarili. Amen.
KAHANGA-HANGA ANG ISANG
CRISTIANONG PINARARANGALAN ANG DIOS SA HALIP NA ANG SARILI.
No comments:
Post a Comment