Tayo’y itinalaga sa
pagkukupkop upang maging Kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
-Efeso 1:5
Sa librong Forever Young,
ikinuwento ng may-akda ang mga pangyayaring kasama niya ang anak ni John F.
Kennedy na dating Pangulo ng Estados Unidos. Sinabi niya na noong 1980 ay
inimbitahan silang dalawa ni John Kennedy Jr. para makapaglibot sa loob ng
barkong pandigma na ipinangalan kay John F. Kennedy. May kasama silang sundalo
na gumagabay sa kanila sa paglilibot sa loob ng barko. Pero hindi sinasadyang
nakapasok sila sa di dapat pasukin. Nang sitahin sila ng isang opisyal, itinuro
ng sundalo si John Kennedy Jr. at sinabing anak ito ng may-ari ng barko.
Sinaluduhan ng opisyal si John Kennedy Jr. at ipinaliwanag ng opisyal na kapag
nakapangalan sa isang tao ang barkong pandigma ng Estados Unidos, itinuturing
na pag-aari nito ang barko. Kaya ang anak ng dating Pangulo ay puwedeng pumasok
sa lahat ng lugar sa barko. May natatangi siyang pribileheyo dahil sa kanyang
ama.
Inilalarawan ng
pangyayaring iyon ang isang katotohanan tungkol sa Dios. Itinuturing ng Dios na
mga anak Niya ang sumasampalataya kay Jesus (Efeso 1:5.) Bilang mga anak,
binibigyan sila ng Dios ng mga natatanging pribileheyo. Purihin ang Dios. Ang
mga mananampalataya ay Tagapagmana ding katulad ni Jesus.
-Dennis Fisher
“Ibinabahagi
ng Dios ang Kanyang kayamanan;
Sa
pamamagitan ni Jesus ito’y makakamtan;
Tayo’y
kasama Niyang mga Tagapagmana,
Ipinahayag
ito sa Kanyang Salita.”
PANGWALANG-HANGGAN ANG
MAMANAHIN NG MGA MANANAMPALATAYA SA DIOS.
No comments:
Post a Comment