Monday, October 2, 2017

THREE THINGS TO REMEMBER DURING TOUGH TIMES

 Talagang darating at darating sa trabaho at negosyo mo ang mga panahong mahirap at puno ng challenges. Hindi na tayo dapat magulat pa kapag may kumatok na  problema sa buhay natin. It is to be expected dahil bahagi talaga iyan ng buhay. Gaya halimbawa ng bagyo. Hindi naman natin alam ang eksaktong araw kung kailan ito darating, pero alam na natin na dito sa Pilipinas, hindi bababa sa dalawampu ang mga bagyo na nararanasan  natin taon-taon. Expected na iyan kaya dapat ay harapin natin ito ng may kahandaan. Ikaw, kamusta ka naman ngayon? May pinagdaraanan ka ba diyan sa inyong opisina?

Let’s start this week 3 important reminders lalo na kung haharap ka na naman sa matinding challenge ngayong linggong ito sa opisina when tough times hit you, tandaan mo ang mga sumusunod:
1.You are not alone. Kapag dumarating ang problema, madalas ang naiisip natin, wala tayong karamay at nag-iisa lang tayo pero pakiramdam lang iyan. Ang totoo, hindi tayo iniiwan ng Diyos kundi tayo ang lumalayo sa Kanya. Ang sabi sa Hebrews 13:4, “Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, ‘Never will I leave you; never will I forsake you.” Ang sinasabi dito, huwag nating mahalin ang pera kasi puwede iyang maubos at mawala. Pero ang Diyos, hindi Niya tayo iiwan. Hindi ka Niya pababayaan. Kung may problema man kayong hinaharap ngayon sa trabaho, tandaan mo,  hindi ka nag-iisa.
2.You can do it. Walang pagsubok na ibinibigay sa atin ang Diyos na hindi natin kakayanin. Kung sa tingit mo’y di na kaya ng powers mo, ok lang iyan dahil walang hindi kakayanin ang kapangyarihan ng Diyos. You are stronger than you think you are if Christ is in you. Ang sabi nga sa Philippians 4:13, “I can do all things through Christ who strengthens me.” Hindi lamang ito magandang quotation, this is truth that you can hold on to.
3.You’ve been prepared for such a time as this. Sa tuwing haharap ka sa pagsubok, tandaan
mo na ang lahat ng nangyari sa iyo bago dumating ang problema ay paghahanda para    
mapagtagumpayan at malampasan mo iyan. Parang mga atleta na dumaan sa mahabang pag-
eensayo bago lumahok sa isang competition, parang estudyante na pumasok sa eskuwelahan
at nag-review bago kumuha ng pagsusulit, ang araw-araw na ginagawa mo ay paghahanda
para maging matatag tayo sa mga pagsubok sa buhay.

When problem comes, ito’y dahil alam ng Diyos na handa ka na para dito. Wala namang
problemang madali. We need to go through tests and difficulties to make us stronger
and better. Be thankful when God allows you to go through tough times because you’ll have
an opportunity to experience His presence, His strength and victory.

Isinulat ni: Maloi-Malibran-Salumbides



No comments:

Post a Comment