Monday, October 2, 2017

DAKILANG TUNAY DIOS KO’Y BUHAY

Talikuran man ako ng buong mundo, alam ko Ikaw ang kasama ko.
Bawat lungkot na aking nararamdaman, alam ko papawiin Mo.
Bawat luha at sakit na aking dinadanas, alam ko Ikaw ang lunas.
Sapagkat Ikaw ang Dios.

Nang minsa’y nakulong sa lungkot na nakaraan,
Kamay Mong nagpalaya mula sa kalungkutan.
Bawat araw na lumilipas ay unti-unting nadadama,
Tunay na depinisyon ng salitang “ligaya.”
Habang tumatagal na ako’y nasa piling Mo,
Walang mapaglagyang ligaya ang dulot Mo sa buhay ko.

Bawat panalangin, kalakip nito’y katagang,
“O Dios Ko, ako’y palayain Mo
sa mundong punung-puno ng mga matang mapanghusga,
Ako’y hanguin Mo.”

Hinulma ng panahon, matibay na pundasyon,
Relasyon ko sa Iyo’y mas lalong lumalim.
Nang lumaon aking napagtanto na tunay Kang dakila
Sapagkat Ikaw ang Panginoon, ang nagsilbing tanglaw
Sa gitna ng kadilimang bumalot sa aking Pamumuhay.

Muli Mong pinagdingas ang apoy sa puso kong nag-aalab.
Maraming salamat Ama sa biyaya’t pagpapalang
Iyong ipinunla sa kaibuturan ng aking puso.
Mahal kita higit pa sa sobra.
Dakilang tunay Dios ko’y buhay.

#AmazingGrace
#UnconditionalLove
#BrokenVessel

#WrittenByALicia

No comments:

Post a Comment