Monday, October 2, 2017

IBA’T IBANG URI NG CHRISTIAN

1.CRIES-tian: faith niya ay nakabase sa emotion hindi sa Word. Iyakin.

2.KAINIS-tian: maraming kinaiinisan sa Church. Inis sa songleader, sa Pastor, sa teaching, sa katabi, pati sa sarili.

3.CURSE-tian: attendee na may untamed tongue. Walang control sa dila.

4.kris-TIUNANO: matagal ng attendee pero di lumalago. Sa loob lang ng Church nakakabasa ng Bible at nakakapag-pray.

5.CHAIRS-tian: uri ng Christian na tagabutas ng chair. Indifferent, walang concern sa iba. Basta nakaupo lang. line niya ang “Bahala kayo diyan.”

6.CRISIS-tian: uri ng Christian na kapag may crisis o problemang matindi ay super spiritual. Kapag okay na ang sitwasyon, super carnal na.

7.CRUSH-tian: kadalasan sa mga youth. Inspired ng crush, hindi ng Lord. Mahilig dumalo sa “Evangelis-chicks”, “Bible-steady”, “Disci-fling.” Instead of “Seek first” ay “Chick First”. Dumadalo pero hindi para kay Cristo, kundi kay Cristy at kay Christian.

8.CARES-tian: Uri ng Christian na pre-occupied ng worries or cares of life. Laging hanap ay relief, kapag giving ayaw making.

9.CARESS-tian: balat-sibuyas. Hindi lang nakamayan, napansin o bahagyang natamaan ng Word of God ay lilipat na sa ibang Church. In short, maramdamin.

10.GENUINE CHRISTIAN: Inspired by the love of God, inspired by the Word of God. With transformed life, fruits of the Holy Spirit. Blessing siya sa Lord, sa Church at sa iba : )


www.miraclehour.com

No comments:

Post a Comment