Deuteronomy 13:3
“The Lord your God is
testing you to find out whether you love Him with all your heart and with all
your soul..”
Minsan, akala mo yung mga
sitwasyon na hindi maganda ay para parusahan ka. Sa totoo lang, minsan, binibigay
ni Lord yung mga bagay na maganda at hindi maganda (His Sovereignity) para
makita kung ano talaga ang totoong nasa loob ng puso mo. Pag tinanong ka Niya,
“Anak, mahal mo ba ako ng buong puso?” ang daling sabihin na, “Lord, Opo”. Pero
mas magandang sabihin na mahal mo Siya sa gitna ng testings at hind magagandang
mga pangyayari sa buhay.
Ang sarap sabihing, “Lord,
mahal kita kasi ang dami mong blessing na binibigay”, “Lord, mahal kita kasi
prinomote mo ako sa trabaho”, “Lord, mahal kita kasi ang ganda ng nangyayari sa
buhay ko”.
Pero teka, parang mas
masarap ding sabihing, “Lord, mahal kita at mamahalin pa kahit walang pera”,
“Lord, mahal kita at mamahalin pa kahit ang sakit-sakit na ng katawan ko”,
Lord, mahal kita at mamahalin pa kahit ni-reject ng taong iyon ang pag-ibig
ko”, “Lord, mahal kita at mamahalin pa kahit nakaka-pressure na!” At Lord,
mahal kita kasi MAHAL TALAGA KITA.”
Haayy… : )
Remember, God will test
your heart. Yes, Siya na mismo nagsabi, “Ite-test ka Niya sa napakaraming
paraan para malaman kung totoong mahal mo talaga Siya ng buong puso”
(Deuteronomy 13:3)
Sana pagtagumpayanan natin
ito! Wag kang mag-alala, kasama mo Siya : )
-Jamey Keeneth Santiago
No comments:
Post a Comment