Hindi ko kailangan ng
party at gimmick para sumaya.
Hindi ko kailangan
magpakayaman para matanyag.
Hindi ko kailangang
magkaroon ng model na asawa para sumikat.
Hindi ko kailangan ang
malaking tahanan upang ma-fulfill.
Hindi ko kailangan ang
mataas na degree upang maging influential.
Hindi ko kailangan ang
pansin, papuri at halakhak ng tao para mapuno.
Sapat si Hesus sa lahat at
kahit ako’y mawalan, hindi ako mahirap.
Sapat ang Ama, ang Kanyang
pansin, ang Kanyang mata at ang Kanyang haplos upang ako’y makumpleto.
Sapat ang Banal na
Espiritu sa Kanyang pang-aaliw upang ako’y sumaya, sumigla at maging
makapangyarihan.
Kung hihingiin ni Lord ang
aking sasakyan ay ibibigay ko. Kung ako ay maglalakad ulit ay ibabalita ko pa.
Hindi ko susumbatan ang
Dios sa edad kong matanda na. Ang mahalaga ay ang kapayapaan sa pagtulog, galak
sa gitna ng problema, tiyaga sa pangit na pangyayari at pag-ibig sa panahon ng
pakikipagtunggali ay masagana kong nararanasan.
Basta masarap maging Cristiano!!
-Ptr.Manny Santiago
No comments:
Post a Comment