Sumunod kayo sa Akin at
gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
-Mateo 4:19
Kung pupunta ka sa isang
bahay ng hindi mo kakilala at tanungin ka ng, “Sino po sila?” maaaring ganito
ang isasagot mo, “Tubero po” o “Guro po ng anak ninyo.” Pero hindi ikaw iyan.
Trabaho mo iyon. Paano kung wala kang trabaho? Paano mo ipapakilala ang iyong
sarili?
Sino ba talaga tayo? Kung
nagtiwala na tayo sa Panginoong Jesus, tayo’y mga tagasunod Niya. Tingnan natin
si Mateo. Dati siyang sakim na maniningil ng buwis. Pero nang sabihan ni Jesus
na sumunod siya sa Kanya, nagbago si Mateo (Mateo 9:9.) Nakilala na siya bilang
tagasunod ni Jesus. Nangyari din ito kina Pedro, Andres, Santiago at Juan nang
iwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus (4:18-25.)
Maraming tao ang naakay ni
Jesus para maging tagasunod Niya at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin Siya
ng magiging mga tagasunod Niya. Sa gayon, magkakaroon ng halaga at magandang
layunin ang ating buhay. Hindi natin kailangang iwan ang ating mga trabaho para
maging tagasunod Niya. Ang dapat nating gawin ay mamuhay nang naaayon sa
Kanyang kalooban.
Kung may magtatanong sa
iyo kung sino ka, sana ganito ang maisasagot mo: “Tagasunod po ako ni Cristo!”
-Joe Stowell
“Aking
Panginoon, ako po ay tulungan,
Na
sa bawat araw ay aking matutunan,
Na
makapagbigay ng lugod sa Inyo
Ito
ang dapat na maging hangarin ko.”
KUNG MAGPAPAKILALA ANG
ISANG MANANAMPALATAYA, SAPAT NA SABIHING TAGASUNOD SIYA NI CRISTO.
No comments:
Post a Comment