Monday, October 2, 2017

TUNAY NA KAGANDAHAN

Kumukupas ang ganda, ngunit ang babaeng… sumusunod kay Yahweh ay pararangalan.
-Kawikaan 31:30

Habang pumipila ako sa pagbabayad ng aking mga pinamili, madalas akong napapatapat sa lalagyan ng mga babasahin. Wala man lang akong makita tungkol sa mga espirituwal na bagay kundi puro tungkol sa seks, pera, diyeta, kalusugan at tungkol sa kagandahan.

Ang problema, mali ang pinipiling basahin ng mga tao. Mas gusto nilang basahin ang mga binanggit sa itaas. Kung hindi tinataglay ng isang tao ang mga binabanggit sa mga babasahing iyon o kung hindi siya kasing ganda o kasing guwapo ng mga tao sa babasahin, nagdudulot ito ng kalungkutan.

Ikinuwento ng aking kaibigan ang pag-uusap nila ng isang kabataan:
Kaibigan: Ang galing! Ang lakas ng loob mo. Puwede bang malaman kung bakit?
Kabataan: Maganda po kasi ako.
Kaibigan: Huwag kang magagalit, ha.
Kabataan: Bakit po?
Kaibigan: Kumukupas kasi ang kagandahan.

Sinabi sa Kawikaan 31, “Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda.” Anuman ang ating gawin para manatiling maganda, mabibigo tayo. Pero may kagandahan na hindi lilipas. Makikita ang kagandahang ito sa mga gumagalang at sumusunod sa Dios (talata 30.)

-David Roper

“Kabutihan ni Jesus makita nawa sa Akin,
Pati kabanalan Niya at mga naisin;
Banal na Espiritu, ako po ay baguhin,
Hanggang si Jesus ay makita sa akin.”


NAKIKITA SA UGALI KUNG MABUTI ANG PUSO.

No comments:

Post a Comment