Thursday, December 1, 2016

HAPPY BIRTHDAY TATAY APOSTOL

HAPPY BIRTHDAY TATAY APOSTOL

WHAT IS A MENTOR?
A Mentor is someone who teaches, guide and lifts you up by virtue of his experience and insight. They’re usually someone a little farther ahead of you on the path – though that doesn’t always mean they’re older! A mentor is someone with a head full of experience and heart full of generosity that brings those things together in your life.

When it comes to identifying a real leader, the task can’t be much easier: Don’t examine his credentials. Don’t check his title. Check his influence. The proof of leadership is found in followers.

Apostle Renato D. Carillo – My Mentor and My Leader.


www.miraclehour.com

TAPAT NA PAGMAMAHAL

Dalangin ko na… lubusang maunawaan ninyo… ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip.
-Efeso 3:17-19

Si Thomas Carlyle ay isang kilalang manunulat noon. Napangasawa niya si Jane Welsh na isa ring manunulat. Nang maging mag-asawa sila, palagi nang tumutulong si Jane kay Thomas. Mainitin ang ulo ni Thomas dahil may mga karamdaman siya, ngunit sa halip na mainis si Jane sa ugali ni Thomas, nagsikap talaga siya na masunod ang mga gusto nito.

Matindi ang pagmamahal ni Jane, pero wala siyang masyadong natatanggap na pasasalamat kay Thomas. Ngunit sa isang liham ni Thomas sa kanyang asawa, ganito ang kanyang isinulat kay Jane: “Ang pagmamahal niya sa akin ay isang tapat na pagmamahal. Hindi ako karapatdapat mahalin nang ganoon! Tuwing tumitingin ako sa kanyang mata, nagpapagaan sa loob ko ang magkahalong ligaya at malasakit na nakikita ko doon.”

Mayroon ding tapat na nagmamahal sa atin, kahit mga makasalanan tayo. Hindi tayo karapatdapat na mahalin ng Dios, pero minamahal Niya tayo. “Hindi ipinagkait (ng Dios) ang Kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Roma 8:32.) Ang Kanyang pag-ibig ay “hindi kayang abutin ng pag-iisip” ng tao (Efeso 3:19.)

Napakahalaga na malaman natin na mahal tayo ng Dios. Nawa’y maunawaan nating lahat ang matinding pagmamahal ng Dios sa atin (tal.17.)

Isinulat ni: Anne Cetas

“Ako’y umaasa kay Jesu-Cristo
‘Pagkat Siya ay tapat at hindi nagbabago.
Palagi Niya tayong mamahalin
Kaya’t Siya’y papuriha’t luwalhatiin!”


WALANG HIHIGIT SA KASIYAHANG NARARANASAN NG NAKAKAALAM NG MAHAL SIYA NG DIOS.

MULA BULATE HANGGANG DIGMAAN

Sinabi ng Dios (kay Gideon) “Sumaiyo ang kapayapaan, huwag matakot.”
-Hukom 6:23

Unang beses pa lang mamimingwit ang 10 gulang na si Cleotis. Nang makita niya ang mga paing bulate ay nag-atubili siyang magsimula. Sa wakas nang tanungin siya kung bakit, sagot ng bata, “Takot ako sa bulate!” Ang takot niya ay pinigil siyang kumilos.

Ang takot ay nakakaparalisa kahit kanino. Si Gideon ay pihong natakot nang ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanya habang naggigiik siya ng trigo ng patago mula sa mga kaaway na mga Midianita (Hukom 6:11.) Sabi sa kanya ng anghel na pinili siya ng Dios para manguna sa mga tao Niya sa digmaan (tt.12-14.)

Ang sagot ni Gideon? “Paano ko maililigtas ang Israel? Ang aking angkan ang pinakahamak sa sambahayan ng aking ama!” (t.15.) Nang matiyak na kasama niya ang Panginoon, tila may takot pa si Gideon at hiningi niya sa Panginoon na pakitaan siya ng tanda na gagamitin nga siya ng Dios para iligtas ang Israel gaya ng Kanyang pangako (tt.36-40.) At pinagbigyan ng Dios ang hiling ni Gideon. Nagtagumpay ang Israel sa digmaan at nagtamasa ng kapayapaan sa loob ng 40 taon.

Lahat tayo ay may kinatatakutan – mula bulate hanggang digmaan. Ang kuwento ni Gideon ay nagtuturo na makaaasa tayo dito: kung may ipinagagawa ang Dios sa atin, bibigyan tayo ng lakas at kapangyarihan na magawa ito.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Kung may takot sa kinabukasan
Tandaan ang Dios malapit lang
Bibigyan ka ng lakas, galak at pag-asa
Bibigyan ka Niya ng Kanyang kapayapaan.”


PARA MAALIS ANG TAKOT NA DUMARATING SA BUHAY, MAGTIWALA SA BUHAY NA DIOS.

UHAW NA UHAW

Tulad ng usang sa tubig ng batis ay nasasabik, o Dios ako sa Iyo’y nananabik.
-Awit 42:1

Binisita ko noon ang aking kapatid sa kanlurang bahagi ng Aprika. Ipinasyal niya ako sa kanilang lugar. Habang namamasyal kami, naging napakatindi ang sikat ng araw. Humingi ako ng tubig sa aking kapatid dahil tuyung-tuyo na ang aking lalamunan. Ngunit nalimutan niya palang magdala ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako kaya naghanap kami ng makukunan ng tubig. Habang tumatagal, patindi ng patindi ang pagkasabik ko sa tubig.

Sa wakas, naisip din ng kapatid ko kung saan kami makakainom. Pumasok kami sa gusali ng isang embahada. Kumuha agad ako ng baso at sabik na sabik na uminom. Kinailangan kong uminom ng ilang ulit para mapalitan ang tubig na nawala sa aking katawan.

“Tulad ng usang sa tubig ng batis ay nasasabik, O Dios ako sa Iyo’y nananabik (Awit 42:1.) Ipinakita dito ng sumulat ng Awit na ang kanyang kaluluwa ay uhaw na uhaw sa Panginoon.

Nauuhaw ka ba sa mga bagay na hindi kayang ibigay ng mundong ito? Iyan ay pagkauhaw ng iyong kaluluwa sa Dios. Lumapit ka sa Kanya na tanging makapapawi ng iyong uhaw. “Pinaiinom Niya ang nauuhaw at pinakakain ang mga nagugutom” (Awit 107:9.)

Isinulat ni: Cindy Hess Kasper

“Ang kaluluwa ko’y gutom sa katotohanan,
Ang Iyong Salita ang tanging kasagutan;
Hindi na ito mauuhaw kailanman,
Ang batis ng ‘Yong biyaya’y walang katapusan.”


SI HESUS ANG TUBIG NG BUHAY NA MAKAPAPAWI NG UHAW NG ATING KALULUWA.

MAKASALANAN

Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa akin ng… Panginoon.
-1 Timoteo 1:14

May isang aplikante ang sumusulat ng sagot sa mga tanong sa aplikasyon niya sa trabaho. Ang isang tanong doon ay “Nabilanggo ka na ba?” Isinulat niya, “Hindi pa.” “Tapos, ang sumunod na tanong para lang sa mga nabilanggo na. Pero sinagot pa rin niya ito. Ang tanong ay, “Bakit?” Ang kanyang isinulat ay, “Hindi pa kasi ako nahuhuli.” Aminado ang aplikante na marami siyang nagawang kasalanan.

Aminado rin si Pablo na apostol ni Jesus na marami siyang kasalanan sa Dios. Sinabi niya sa 1 Timoteo 1:13, 15 na siya noon ay lapastangan, mang-uusig, mapanglait at pinakamakasalanan sa lahat.

Tayong lahat ay makasalanan din naman. Nahiwalay tayo sa Dios at itinuring na kaaway Niya (Roma 5:10, Colosas 1:21.) Kung hihingi tayo ng tawad kay Jesus at magtitiwala sa Kanya, patatawarin Niya tayo at gagawing kaibigan.

Hindi dapat makalimot ang mananampalataya sa ginawang pagpapatawad at pagliligtas ng Dios sa kanila. Upang hindi isipin na mas mabuti tayo sa iba, alalahanin ang kalagayan natin noong ‘di pa tayo nagtitiwala sa Dios. Makakatulong rin ang pagkukuwento ng ating kamalian at pagpapasalamat sa Dios sa pagpapatawad Niya sa atin.

Makasalanan tayong lahat pero sa kabila nito, kinaawaan tayo ng Dios. Kaya nararapat lamang na Siya ang ating purihin.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Ang ating kasalanan at kamatayan,
Tayong lahat ang may kagagawan;
Ang kapatawaran sa ating kasalanan,
Kabutihan ng Dios ang pinagmulan.”


DAHIL SA KABUTIHAN NG DIOS, MAY MATATAMASA TAYONG MGA BAGAY NA HINDI KARAPATDAPAT SA ATIN.

HOW TO USE YOUR 13TH MONTH PAY WISELY

HOW TO USE YOUR 13TH MONTH PAY WISELY

The Christmas is one of the most awaited holidays in the country not only because of all the festivities happening around, but is also the time when employees in the Philippines receive the 13th month pay.

As mandated by the law (P.D. 851) all employees regardless of status (temporary, casual, probationary, regular) are entitled to a 13th month pay as long as they have been employed for at least a month in the calendar year.

Even before receiving your bonus, you might be already thinking of ways you can spend it like going on a shopping frenzy. Then you’ll just realize that your bank account has dwindled to the amount that would not sustain you until the next pay check. So before you hit the malls or click on the “add to shopping cart” button, here are a few suggestions to help you spend your 13th month pay wisely.

1.      Remember your Faith.

Tithes

Before rushing to the malls to buy gifts for yourself and gifts for everyone you love, why not run first to your respective Church and give wholeheartedly what belongs to your Creator. Read Malachi 3:10-12 on the Bible.

2.      Plan and List everything Down.

Gift-List

Most people put off Christmas shopping until they get their 13th month pay. But before spending it all for the gifts you’ll be giving away, do not forget to plan and list down the people you’d like to buy presents for this holiday. It’s wise to put a price limit in each gift you’ll be getting to keep within your budget. Look for holiday discounts both online and offline so that you’ll have a good bargain.

3.      Think Twice.

Gadgets

Maybe you’ve been itching to buy the latest versions of smartphones or gadgets on the market even if you still have a pretty decent model. Before you invest your bonus for a new gadgets, pause for a moment and think twice if you really need to upgrade or not.

In an article in www.forbes.com it advised that before buying a gadget, figure out how often you’ll use it, and for how many years. If an item could help advance you in terms of your creative or personal life, then it will be the right time for you to upgrade.

Don’t let yourself be a victim of the hype that manufacturers and advertisers create to make you think that you’re left out if you do not have their latest models.

If your gadget is still working for you, why buy a new one?

4.      Clear Debts.

Cut-credit-card

If you have any form of debt like credit card bills, it’s wise to use your 13th month pay bonus to trim down this debt. There’s no better way to celebrate holidays and start a new year when you’re debt-free.

If you have zeroed all your credit card debts, financial planner and author Chinkee Tan suggests that you stay away from it and start buying with the cash you have on hand. Studies show that people who use their credit card for shopping tend to buy more things. “Credit card is the most emotionless and painless way of spending money. But once the billing statement comes, Ouch! The pain sets in.” He says in an interview published on-line.

5.      Start Investing.

Stock-market

Put your money into work by investing it on things that would double its amount. You can invest your 13th month pay on time deposits, mutual funds, or buy equities or stocks. Just make sure that you learn the ropes before investing on anything. Before you invest, make sure you study (read books and attend seminars), understand, and consult financial experts first to avoid high risk investments.

6.      Save! Save! Save!

Piggy-bank

If your savings formula is INCOME-EXPENDITURES=SAVINGS then you’re doing it wrong. The right thing to do is: from your income, set aside your savings FIRST, then the difference will be the amount you will be spending (INCOME-SAVINGS=EXPENDITURES.) You just have to discipline yourself to spend within your means. Remember: even if you earn six digits per month, but if you spend beyond it, then you’re poorer than the person who has less earnings than you but save more.

It’s nice to spend your hard-earned money this holidays, but do not forget to have a mind-set that will help secure and you and your family’s future. Be wise in spending this holidays!



SALARY INCREMENT

News: Government announce that if you have 5 kids, your salary will be multiplied to 5.

“A man heard this news and said to his wife…”

Man: I have a kid with my girlfriend. I am going to bring him and add him to our 4 kids so that my salary can be multiplied by 5.

Wife: That will be great!

“When he came back with his born-out-of-his-matrimonial-home-son, he found only 1 kid with his wife. He asked his wife…”

Man: Where are the 3 kids?

Wife: You are not the only one who heard the news. Their fathers have come to fetch them as well.


#Just4Laughs : D

DEAR STALKER

Dear Stalker,

I know you are following me, and trying to create more account just to ruin my day and deceive me yet I just want you to know, I don’t mind your purpose yet don’t be hypocrite. I never have time to play with. Know me better before you act like nonsense in there. I’m just laughing behind your back. You can’t hide the real you coz I know you well.

It’s me,
The Challenger                                             



Tuesday, November 1, 2016

JESUS IS CALLED…

JESUS IS CALLED…

JESUS (Jehovah-Saviour) (Matthew 1:21)

KING OF THE JEWS (John 19:19)

GOOD SHEPHERD (John 10:11)

THE WAY, THE TRUTH, THE LIFE (John 14:6)

LORD (Jehovah) (Philippians 2:11)

LIGHT OF THE WORLD (John 8:12)

IMAGE OF GOD (Colossians 1:15)

LORD OF ALL (Acts 10:36)

ALPHA AND OMEGA (Revelation 1:8)

CREATOR OF ALL THINGS (Hebrews 1:10)

GOD MANIFEST IN THE FLESH (1 Timothy 3:16)

PRINCE OF LIFE (Acts 3:15)

HEAD OF THE CHURCH (Ephesians 1:22)

RESSURECTION AND THE LIFE (John 11:25)

EVERLASTING FATHER (Isaiah 9:6)

I AM (John 8:58)

IMMANUEL (God is with Us) (Matthew 1:23)

LION IN THE TRIBE OF JUDAH (Revelations 5:5)

GOD (Hebrews 1:8)

THE DOOR (John 10:7)

CHRIST (Messiah) (John 4:25)

BREAD OF LIFE (John 6:35)

THE WORD MADE FLESH (John 1:14)

KING OF KINGS AND LORD OF LORDS (Revelation 19:16)

GOD OVER ALL (Romans 9:5)

THE ALMIGHTY (Revelation 1:8)

THE FIRST  BORN (Colossians 1:15)

THE ROCK (Matthew 18:16)

CHIEF CORNERSTONE (Ephesians 2:20)

HOLY ONE AND JUST (Acts 3:14)

AUTHOR AND FINISHER OF OUR FAITH (Hebrews 12:2)

GREAT HIGH PRIEST (Hebrews 4:14)

MEDIATOR BETWEEN GOD AND MEN (1 Timothy 2:5)


MAGANDANG BALITA

Nakita nilang naigulong na ang bato mula sa libingan… nang sila’y pumasok ay hindi nila nakita ang bangkay.
-Lucas 24:2-3

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Amerika, mas naaalala ng mga tao ang masasamang pangyayari kaysa sa mabubuti. Ipinapakita sa pag-aaral na ito na kahit sinasabi ng marami na ayaw nilang makarinig ng mga pangit na balita, napagtutuunan pa rin nila ng pansin ang mga balita tungkol sa sakuna, trahedya, mga sakit, at iba pa.

May isang babae noon na mas interesado sa ‘Magandang Balita.’ Catherine Hankey ang kanyang pangalan. Noong 1866, nagkaroon siya ng malubhang sakit. Habang nakaratay, iniisip niya ang mga taong nabahaginan niya ng magandang balita ng kaligtasan. Ninanais rin niyang may mag-ulit sa kanya ng ‘lumang kasaysayan’ ni Cristo na isang magandang balita. Sa mga panahong ito, isinulat niya ang isang tula na naging awit, “Tell me the Old, Old Story’ (Ang Lumang Kasaysayan.)

“Isalaysay mo nang marahan nang lubos kong mapagnilayan,
Na sa ating kasalanan, Siya ang ating katubusan;
Isalaysay nang paulit-ulit nang sa isipa’y ‘di mawaglit,
‘Di matulad sa hamog na naglalaho sa isang saglit.”

Hindi natin pinagsasawaang pakinggan ang ‘Lumang Kasaysayan’ na dahil sa pag-ibig ng Dios sa atin, isinugo Niya si Jesus. Dinala Niya ang ating mga kasalanan, ipinako sa Krus at muling nabuhay. Kung sasampalataya tayo sa Panginoong Jesus, ituturing tayo ng Dios na mga anak Niya (Juan 1:12.) Ibalita mo sa iba ang tungkol kay Cristo at ang Kanyang pag-ibig. Kailangan nila ang Magandang Balita.

Isinulat ni: A. Cetas


ANG MAGANDANG BALITA NI CRISTO ANG PINAKAMAGANDANG BALITA SA MUNDO.

HINDI AKALAIN

Tinawag Niya kayo sa kadiliman tungo sa kahanga-hangang liwanag upang ipahayag ang mga pagpupuri sa Kanya.
-1 Pedro 2:9

Noong 2009, sumali si Susan Boyle sa Britain’s Got Talent, isang paligsahan ng talent sa Britanya. Hindi kagandahan si Susan kung ikukumpara sa ibang mga kalahok. Sa simula, walang may interes na manood sa kanya. Ngunit nang magsimula na siyang umawit, namangha ang lahat. Napatayo pa sa paghanga ang tuwang-tuwang mga manonood. Napakaganda pala ng boses ni Susan. Hindi nila sukat akalain na isang napakagandang tinig ang magmumula sa ordinaryong babae.

Tulad ng nangyari kay Susan, hindi inakala ng marami na makikita nila sa mga Cristiano ang kabutihan at kahanga-hangang katangian ni Jesus. Itinakda ito ng Dios. Pinili Niya ang ordinaryong tao na katulad natin upang ipahayag sa lahat ang pag-ibig at kabutihan ni Cristo sa pamamagitan ng ating buhay.

Ipinaalala ni Pedro na tayo ay “bayang pag-aari ng Dios upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa Niya. Siya ang tumawag (sa atin) mula sa kadiliman patungo sa Kanyang kahanga-hangang kaliwanagan” (1 Pedro 2:9.)

Maaaring iniisip mo na isa kang ordinaryong tao na hindi gagamitin ng Dios. Pero kung hahayaan mong kumilos si Jesus sa iyong buhay, makikita sa iyo ang mga kahanga-hangang katangian ni Cristo.

Isinulat ni: Joe Stowell

“Kabutihan ni Jesus nawa’y makita sa akin,
Ang Kanyang kalinisan at kahanga-hangang naisin;
Banal na Espiritu patuloy akong baguhin,
Hanggang si Jesus ay makita sa akin.”

MAAARING MAKITA ANG MGA KAHANGA-HANGANG KATANGIAN NI CRISTO MAGING SA MGA ORDINARYONG TAO.


PANANALANGIN

Idalangin ninyo ang mga hari at lahat ng nasa mataas na katungkulan.
-1 Timoteo 2:2

Noong 2009, namatay ang 95 taong gulang na si Emma Gray. Mahigit dalawang dekada siyang naging taga-paglinis ng isang napakalaking bahay. Gabi-gabi habang nagtatrabaho, ipinapanalangin niya ang kanyang amo na bigyan nawa ito ng Dios ng biyaya, talino at kalinga.

Tuwing ika-apat na taon, napapalitan ang amo ni Emma. Kaya sa 24 na taong paglilingkod niya sa bahay na iyon, anim na amo ang kanyang naipanalangin gabi-gabi: sina Eisenhower, Kennedy, Johnson, Nixon, Ford at Carter – ang mga pangulo ng America.

Sinunod ni Emma ang iniuutos sa 1 Timoteo 2 na idalangin ang “lahat ng nasa mataas na katungkulan.” Sinabi pa doon na ang mamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Dios at magalang ay “mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Dios… na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas.”

Dinirinig ng Dios ang panalangin ng taong matuwid (Mga Kawikaan 15:29.) Kaya natitiyak natin na epektibo ang mga panalangin ni Emma. Mababasa naman natin sa Mga Kawikaan 21:1 na hawak ng Dios ang isip ng isang hari, “Ibinabaling Niya ito saanman Niya ibig.”

Katulad ni Emma, dapat din nating idalangin ang ating mga pinuno sa pamahalaan. Sino kaya ang nais ng Dios na ipanalangin mo ngayon?

Isinulat ni: Cindy Hess Kasper

“Ang lahat ay saklaw ng Kanyang kabutihan,
Maging mga pinuno ng ating bayan,
Kapag sila’y ating ipinapanalangin,
Matutupad ng Dios ang Kanyang naisin.”


KUNG NAIS NATING MAGBAGO ANG MGA PINUNO NG BAYAN, IDALANGIN NATIN SILA SA DIOS.

TAKBO

Kaya’t pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala.
-1 Corinto 9:24

Sa pelikulang Chariots of Fire, isa sa pangunahing tauhan si Harold Abrahams. Isa siyang mahusay na mananakbo. Gusto niyang laging nananalo. Nang maglaban sila ni Eric Liddell para makapasok sa Olympics, natalo siya nito. Masyado niyang dinibdib ang kanyang pagkatalo. Nais sana siyang pasiglahin ng kanyang nobya, ngunit galit nitong sinabi, “Tumatakbo ako para manalo. Kung matatalo lang ako bakit pa ako tatakbo?” Maganda ang sagot ng kanyang nobya, “Hindi ka mananalo kung hindi ka tatakbo.”

Ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang. May mga kabiguan din tayong mararanasan na puwedeng maging dahilan para hindi tayo magpatuloy. Pero sa buhay ng mga Cristiano, hinihimok tayo ni Pablo na magpatuloy. Sinabi niya na sa paligsahan, tumatakbo ang lahat ngunit iisa lang ang nagwawagi. Kaya pagbutihin natin ang pagtakbo para manalo (1 Corinto 9:24.) Magtiyaga tayong tumakbo para makamit natin ang gantimpala, yamang alam nating ito ay para sa ikararangal ng Dios.

Kung pahintu-hinto tayo sa pagtakbo, hindi natin makakamit ang gantimpala. Ibig sabihin, kung hihinto tayo sa paglilingkod sa Dios o magpapatuloy sa pagkakasala, malamang wala tayong tatanggaping gantimpala mula sa Dios.

Hindi tayo mananalo kung hindi tayo tatakbo.

Isinulat ni: B. Crowder

“Para sa Dios ay matiyagang tumatakbo
Sa mahabang lakbayin sa mundong ito,
Tuwing madarapa, sa Dios lamang titingin
Siya’y nagpapaalala ng dapat mithiin.”


MAS MAINAM KAYSA SA ANUMANG MEDALYA ANG MARINIG SA DIOS NA, “MAGALING KA!”

TULUNGAN MO AKO

Maging handa nawa ang Iyong kamay na tulungan ako.
Awit 119:173

Kamakailan lamang, namingwit kami ng aking mga kaibigan sa isang ilog. Lumusong ako sa tubig at pumunta sa lugar na hindi ko akalain na malakas pala ang agos. Hindi ito kaya ng mahina kong tuhod. Isang hakbang pa at siguradong tatakayin na ako ng malakas na agos. Natakot ako dahil alam kong delikado ang aking kalagayan.

Humingi ako ng tulong sa mas bata at mas malakas kong kaibigan, “Pete, tulungan mo ako!” Agad siyang lumapit at iniabot ang kanyang kamay. Hinila niya ako patungo sa lugar na hindi maagos.

Pagkalipas ng ilang araw, binasa ko ang Awit 119. Nakasulat sa talatang 173, “Maging handa nawa ang Iyong kamay na tulungan ako.” Naalala ko ang nangyari sa akin noon sa pamimingwit maging ang mga panahong ‘lumusong’ ako sa mga delikadong sitwasyon ng aking buhay. Nangyari ito dahil sa pagtantiya ko sa aking kakayahan. Inilagay ko tuloy ang aking sarili sa panganib. Maaaring ganito rin ang iyong sitwasyon ngayon.

Sa ganitong sitwasyon, may malalapitan tayo. Isa Siyang kaibigan na mas malakas sa atin at humahawak sa atin (Awit 139:10.) Makapangyarihan ang Kanyang mga bisig at malakas ang Kanyang mga kamay (Awit 89:13.) Maaari tayong humingi ng tulong sa Kanya.

Isinulat ni: David Roper

“Huwag kang matakot, Ako’y sasaiyo,
Hindi dapat mangamba ‘pagkat ang Dios mo’y Ako,
Palalakasin kita, tutulungan at hahawakan
Ng Aking mga kamay na makapangyarihan.”


SA PANAHON NG KAHIRAPAN, HANDA ANG DIOS NA TAYO’Y TULUNGAN.

KATIWALA NG KABUTIHAN

Bilang mabubuting katiwala… ng Dios, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.
1 Pedro 4:10

Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ako ng mga pagkakataon na magpakita ng kabutihan sa iba. Sa isang sitwasyon, sa halip na magalit, ito lang ang aking itinugon, “Okay lang iyon. Lahat naman tayo ay nagkakamali.”

Napakabait ko! Para sa akin napakabuti ng aking ginawa, kahit hindi ito perpekto. Naisip ko na dahil mabait ako, dapat ganito rin ang gawing pagtrato sa akin ng iba.

Noong Linggo, inawit naming ang “Amazing Grace” (kamanghamanghang biyaya.) Dahil sa mensahe ng unang dalawang linya ng awit, naisip ko na hindi tama ang aking saloobin tungkol sa pagiging mabuti.

Maling-mali ako! Ang totoo, kaya ako nakagawa ng kabutihan ay hindi dahil sa mabuti ako kundi dahil sa kabutihang ipinadama ng Dios sa akin. Nakakapagpakita tayo ng kabutihan sa iba dahil ibinigay ito ng Dios sa atin. Kaya mabuting ipadama natin ito sa iba.

Sinabi ni Pedro na apostol ni Jesus, “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Dios, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat” (1 Pedro 4:10.) Bilang mabuting katiwala ng Dios, palagi tayong maghanap ng pagkakataong maibahagi sa iba ang anumang ipinagkaloob ng Dios sa atin.

Isinulat ni: Julie A. Link      

“Ang pag-ibig ng Dios ay wagas,
Sa Krus Niya ito ipinamalas,
Kabutihan Niya’y isasaysay,
Nang ibuwis Niya ang Kanyang buhay.”

KUNG NARANASAN MO ANG KABUTIHAN NG DIOS, IPAPADAMA MO RIN ITO SA IBA.


HINDI PATAS

Hindi Niya tayo pinakitunguhan ayon sa ating mga kasalanan, ni ginantihan nang ayon sa ating mga kasamaan.
-Awit 103:10

“Hindi patas!” Nasabi mo na ba ito? Mahirap talagang tanggapin na may mga taong hindi napaparusahan sa kanilang ginawang kasalanan. Alam natin ang damdaming ito kahit noong mga bata pa tayo. Nagagalit tayo kapag may ginawa tayong mali, tapos tayo lang ang pinalo at hindi ang ating kapatid. Hanggang sa pagtanda natin ganito pa rin ang ating kaisipan. Iniisip natin na ang mga makasalanan ay dapat parusahan ng Dios at tayong mga mabubuti ay dapat namang purihin.

Ang totoo, kung paiiralin ng Dios ang pagiging ‘patas’, tayong lahat ay dapat maparusahan! Pasalamat tayo dahil “hindi Niya tayo pinakitunguhan ayon sa ating mga kasamaan” (Awit 103:10.) Dapat maging masaya ang mga nagtitiwala kay Jesus dahil pinili ng Dios na maawa sa kanila sa halip na parusahan sila. Naging mabuti Siya sa atin kahit karapat-dapat tayong parusahan. Nagpakita na ba tayo ng kabutihan sa mga nagkasala sa atin?

Hindi ang pagiging ‘patas’ kundi ang awa ng Dios ang nagtutulak sa Kanya upang tayo ay abutin. Kapag may nanumbalik sa Kanya, nagdiriwang sa kalangitan. Nagpapasalamat ako sa Dios dahil ang pagiging ‘patas’ ay hindi Niya pinairal sa akin.

Isinulat ni: Joe Stowell

“Pag-ibig Niyang walang kapantay,
Sa ‘di karapatdapat Niya iniaalay;
Maging kabutihan, kaawaa’y ibinibigay
‘Yan ang kahulugan ng biyayang tunay.”


NAHAHABAG TAYO SA IBA DAHIL ANG DIOS ANG UNANG NAHABAG SA ATIN.

MANAGING STRESS

Build Your Physical Reserves
-Eat well-balanced, nutritious meals.
-Maintain your ideal weight or appearance.
-Mix leisure with work. Take breaks and get away when you can.
-Get enough sleep. Be as consistent with your sleep schedule as possible.

Maintain Your Emotional Reserves
-Develop some mutually supportive friendships/relationships.
-Pursue realistic goals which are meaningful to you, rather than goals others have for you that you do not share because they won’t succeed.
-Expect some frustrations, failures, and sorrows and let them go.
-Always be kind and gentle with yourself. Be you own best friend.

Written by: Barbara Chick



BAWAL ANG STRESS!

6 Simple Ways to Keep Calm and Find Relief

Learn to identify the warning signs of stress and how you can effectively manage it.
Stress is here for a reason. It keeps you alert and ready for whatever challenges life brings. Too much stress, however, can negatively impact your life and your health. Learn about it and how you can effectively manage it with this quick guide.

What is Stress?
Stress is the body’s natural reaction to the demands of day-to-day life. Stress is what happens when the brain perceives a threat and floods your body with a hormones that are designed to help you respond and cope with that threat. This is often called the “flight-or-fight” response.

For us, the so-called “threat” rarely comes in the form of ravenous lions or wolves anymore. It can be financial worries, work deadlines, health issues and parenting problems. And unfortunately, with today’s fast-paced world, the “threats” just keep coming, and our bodies are almost always on high alert--on flight-or-fight mode.

Long periods of high levels of stress lead to serious health problems like depression and heart disease, says Mayo Clinic. Identifying stress warning signs and learning to manage it is an important skill everyone should practice.

Stress warning signs
-Headaches
-Muscle tension or pain in neck, shoulders or back
-Upset stomach
-Grinding teeth, clenched jaw
-Chest pains, rapid heartbeat
-Fatigue
-Difficulty sleeping
-Weight gain or loss
-Changes in sex drive
-Being irritable, impatient or forgetful

How to find stress relief?
The first step to successfully managing stress is to commit to it. Make it an ongoing goal, and learn to monitor your stress levels. Listen to your body and acknowledge your stress whenever you feel it.

Then, identify your stress triggers. Most people feel stress at work, with their relationships and in financial difficulties. Daily stressors can contribute too, like traffic or trying to get the whole family ready in the morning. Remember that stress can come out of positive events too like a new baby in the family or starting a new job.

Once you know what’s causing you stress, find a solution. If it’s work deadlines, learn to better manage your time. If it’s the traffic, map out another route you can take or find ways to occupy the time and make it productive. Try listening to audiobooks, for example.  If it’s a situation you can’t change like high demands at work, Mayo Clinic suggests changing how you react to the situation.

Other concrete ways to manage stress:
    1. Have a healthy lifestyle. Eat healthy, exercise regularly and get enough sleep. Maintaining a healthy lifestyle helps you combat stress by giving you much needed energy and rest, and keeping you far from sickness.
    2. Take a time-out. Take a few moments in your day to step back from your problems. This will clear your head and may even help you see the situation from a better light. Try meditation, listening to music, getting a massage or deep breathing exercises. If you’re having trouble getting started, we recommend the app Headspace. It’s perfect for beginners.
    3. Stay positive. Negative thoughts will only fuel stress. Try to keep yourself from worrying too much and keep optimistic – but realistic – instead. You can use self-talk methods like telling yourself “It will work out” or “I’ve got this.” Accept as well that though there are some things you can’t control, you can change how you respond to them.
    4. Utilize emergency stress stoppers. Emergency stress stoppers help you deal with stress on the spot. Whenever sudden stressful situations occur, try taking three to five deep breaths. You can also count backwards from ten or escape for a while by going for a walk. When you feel overwhelmed, try breaking down the situation into manageable pieces instead of as facing it as one big problem.
    5. Find pleasure. Do something that makes you feel good to combat the stress. Make time for activities you enjoy like spending time with the family, watching a sit-com, reading a book, relaxing in a café, playing sports or crafting. Your hobby can even be trying out new things.
    6. Share. Talk about how you feel and your situation with a loved one, friend or counselor. Fostering healthy relationships will also help you manage stress.

    Stressful events are a part of life, they don’t really go away. And, stress management can take some time and isn’t a cure-all. But managing your stress levels and increasing your ability to cope will help you live a better life, challenges and all.

Sources: Anxiety and Depression Association of America, American Heart Association, American Psychological Association, WebMD, Mayo Clinic


by Jillianne E. Castillo