Sunday, June 4, 2017

ANG GANDA NITO

 Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya; bakit ninyo siya ginugulo? Isang mabuting bagay ang ginagawa niya sa Akin.”
-Marcos 14:6

Matapos mawalay dahil sa negosyo, gusto ni Terry na magpasalubong ng mga regalo sa mga anak. Ang clerk sa tindahan sa airport ay nagrekomenda ng mga mamahaling bagay. “Kaunti lang pera ko. Bigyan mo ako ng mas mura kaysa riyan” sabi ni Terry. Nahalata ni Terry na tila ipinaparamdam sa kanya ng clerk na dapat di mumurahin ang pasalubong niya. Ngunit alam niya dahil galing ito sa pusong nagmamahal. Tama nga siya – tuwang-tuwang sila sa pasalubong na binili niya.

Sa huling pagbisita ni Jesus sa Betanya, nais ni Maria na maipakita ang pagmamahal sa Kanya (Marcos 14:3-9.) Kaya nagdala siya ng napakamahal na pabango upang ibuhos sa Kanya (t.3.) Galit na nagtanong ang mga disipulo, “Anong layunin ng pag-aaksayang ito?” Sinabi ni Jesus na hayaan siya dahil “Isang mabuting bagay ang ginawa niya sa Akin.” Sa isang salin, ito’y “May magandang bagay siyang nagawa sa Akin.” Nalugod si Jesus sa kaloob ni Maria dahil mula ito sa pagmamahal na puso. Kahit ang pagbuhos ng pabango o para sa Kanyang paglilibing ay maganda!

Ano ang maibibigay mo kay Jesus para ipakita ang pagmamahal sa Kanya? Ang panahon, talento o yaman mo? Mahal o mura, o di man nauunawaan ng iba ang ginawa mo, ito ay mabuti. Anumang ihandog mo sa Kanya mula sa nagmamahal na puso ay maganda para sa Kanya.

-Anne Cetas

“May pasasalamat, purihin si Jesus
Mga pagpapala Niya walang katapusan;
Ibigay sa Kanya taus-pusong katapatan –
Siya’y ating Tagapagligtas at mahal na kaibigan.”

MALUSOG ANG PUSONG ANG ITINITIBOK AY PAG-IBIG KAY JESUS.


No comments:

Post a Comment