Sunday, June 4, 2017

PAGLILINGKOD SA DIOS

Nasa amin ang pag-iisip ni Cristo.
-1 Corinto 2:16

Noong nakaraang mga panahon sa England at America ay may mga Cristiano na tinatawag na mga puritan. Itinuturing ng mga ito na paglilingkod sa Dios ang lahat ng kanilang mga ginagawa, gawaing pangrelihiyon man o hindi. Para sa kanila, mas mahalaga sa Dios ang makaDios na Pamumuhay kaysa sa mga naabot o naisakatuparan ng isang tao.

Hindi natin kailangang gumawa ng napakaraming ‘gawaing espirituwal’ para lang makalugod sa Dios. Tulad ng sinasabi ng mga Puritan, maaari tayong makalugod sa Dios kahit naglilinis, nangangaral ng Kanyang Salita, naglalaba, nagsasalin ng Biblia sa ibang wika o iba pang mga ginagawa.

Marami tayong oras na nauubos sa mga bagay na maaaring naiisip natin na nakakasawa nang gawin tulad ng pag-aalaga sa magulang na matanda na, pakikinig sa mga reklamo ng mga mamimili, o pagka-ipit sa trapiko, pero ipinaalala ni Pablo na ang mga nagtitiwala kay Cristo ay may pananawa o ‘pag-iisip ni Cristo’ (1 Corinto 2:16.) Ang katotohanang ito ang gagabay sa atin upang hindi natin maisip na nakakasawa na an gating mga ginagawa.

Kailangan natin ng pananampalataya at pag-iisip ni Cristo upang makita natin na mahalaga kahit ang mga karaniwan nating ginagawa.

Isinulat ni: Philip Yancey

“Sa karaniwang mga gawain,
Ang Dios nawa ang purihin;
Pangako ng Dios sa atin,
Kalakasan ay kakamtin.”


PINAHAHALAGAHAN NG MUNDO ANG KAUNLARAN, PINAHAHALAGAHAN NG DIOS ANG KATAPATAN.

No comments:

Post a Comment