Sunday, June 4, 2017

PAGSASAMA-SAMANG MULI SA HAPUNAN

Mapapalad ang mga inaanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero.
-Pahayag 19:9

Maraming paghahandang ginagawa ang maraming Tsino para sa kanilang taunang hapunan sa bisperas ng Chinese New Year. Karaniwang idinaraos ito sa bahay ng magulang o panganay na kapatid. Sama-samang naghahapunan dito ang mga magkakamag-anak.

Ang mga Tsino na nagtatrabaho sa ibang bansa ay maagang bumibili ng tiket. Tinitiyak nila na makakauwi sila para makadalo sa hapunang iyon.

May mas mahalagang hapunan na binabanggit sa Biblia. Sa langit ito gaganapin. Tinawag ito sa Pahayag 19:9 na ‘hapunan ng kasalan ng Kordero.’ Hindi katulad ng hapunan na ginaganap bago sumapit ang Chinese New Year, hindi alam ng mga dadalo kung kailan magaganap ang ‘hapunan ng kasalan ng kordero.’ Tanging ang Dios lang ang nakakaalam nito (Mateo 24:36.) Hindi rin natin kailangang bumili ng tiket para makadalo sa hapunang iyon.

Kasama ka ba sa hapunan na gaganapin sa langit? Makakapunta ka doon kung sasampalataya ka sa Panginoong Jesus. Kaya sumampalataya ka sa Kanya bilang Panginoon at iyong Tagapagligtas.

-C.P.Hia

Paano natin matitiyak na pupunta tayo sa langit?Aminin natin na tayo’y makasalanan (Roma 3:23); Sumampalatayang namatay si Jesus para sa atin (Mga Gawa 16:31); Tanggapin Siya bilang Tagapagligtas (Juan 1:12); Magtiwala sa Kanyang pangako na bibigyan Niya tayo ng buhay na walang-hanggan (Juan 20:31).


SUMAMPALATAYA KA KAY JESUS AT MAKAKAPUNTA KA SALANGIT.

No comments:

Post a Comment