Sunday, June 4, 2017

MGA NABIGONG PANGARAP

Sa Panginoon Ikaw ay magpakaligaya at ang mga nasa ng iyong puso, sa iyo’y ibibigay Niya.
-Awit 37:4

May pangako ba ang Biblia na nabigo ka? May mga taong nagsasabi na ang Awit 37:4 daw ay garantiyang matatanggap mo bawat gusto – asawa, trabaho, o pera – magtatanong ka tuloy, bakit wala sa akin ang gusto ko?

Pag nabigong kamtan ang pangako, at tila hindi tinutupad ng Dios ang ipinangako, marahil hindi mo nauunawaan kung ano ang tunay na kahulugan ng talata. May tatlong payo na makatutulong sa pamamagitan ng halimbawa ng Awit 37.

Alamin ang konteksto: Sinasabi sa Awit 37 na hindi tayo dapat mabalisa o mainggit sa mga masasama. Ang pagtuunan natin ay hindi sa kung anong mayroon sila at hindi mainggit sa mga nalulusutan nilang masasamang gawa (tt.12-13). Sa halip inuutusan tayong magpakaligaya sa Panginoon at magtiwala sa Kanya (tt.4-5).

Kunin ang tulong na impormasyon ng mga ibang ugnay na talata: Itinuturo ng 1 Juan 5:14 na ang ating mga hiling ay dapat ayon sa kalooban ng Dios para sa atin. Mababalanse ang ating pang-unawa sa tulong ng ibang talata na pareho ang paksa.

Konsultahin ang isang komentaryo sa Biblia: Sa komentaryo ni C.H. Spurgeon na The Treasury of David (Ang Kayamanan ni David), sabi niya tungkol sa talata 4: “Ang mga nalulugod sa Dios ay walang nais na hilingin kundi ang ikalulugod ng Dios.” Pagsikapang mas malalim na pag-aralan ang mga mahihirap na talata nang maunawaan nang mabuti.

            Sa paglago natin sa pagkalugod ng Dios, ang Kanyang nais ay magiging atin at ibibigay sa atin.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Sa pangako ng Dios umaasa
Sa gitna ng takot at pagdududa
Sa buhay Niyang salita mabubuhay
Sa pangako Niya umaasa.”

DI MO MASISIRA ANG MGA PANGAKO NG DIOS SA PAGSANDAL SA MGA ITO.



No comments:

Post a Comment