Sa kaninong bahay-bata ang yelo ay
nagmula? At sino ang sa namuong hamog sa langit ang nagsilang sa kanya?
-Job 38:29
Ang katahimikan ng mayelong umaga ay
binasag ng malalakas na langitngit at tunog ng pagkabali-bali. Ang nagyeyelong
patak ng ulan ay nagpatahimik sa anumang ingay na likha ng tao. Bumagsak ang
mga kable ng kuryente at nagblack-out ang mga bahay at opisina. Nasarhan ang
mga kalye at natigil lahat ng pang-araw-araw na ginagawa. Nagpapansin ang
kalikasan at nagtagumpay siya. Sa pagbubukang liwayway ay lalong lumutang ang
makapigil hiningang kagandahan at ang di maitatatwang panganib na mangwasak.
Nagniningning ang kristal na yelo sa
liwanag ng sinag mula sa asul na langit. Ngunit ang yelo na nagpaningning sa mga
sanga ng kahoy ay siya ring bumabali dito dahil sa bigat niya.
Mailalapat rin iyan sa nangyayari sa
mga “nagniningning” na personalidad, na tumatawag ng pansin sa sarili sa
kanilang dunong, sa nakasisilaw na ganda at talento. Hinahangaan sila ng madla.
Ngunit darating ang panahon na babagsak din sa bigat ng dinadalang kayabangan
at bibigay ang katawan, isip, emosyon at espiritu sa tinatawag na nervous
breakdown. Ang katotohanan – tanging ang Dios lamang ang karapatdapat sa lahat
ng papuri.
Kung magsalita ang mga kaibigan ni
Job ay parang mga eksperto sa pagsubok at pagtitiis. Nang narinig ng Dios ang
lahat, sinabi Niya kay Job na walang kaalaman, kapangyarihan o halaga ang
sinuman nang hiwalay sa Kanya. Pinagsabihan Niya ang mga kaibigan ni Job,
“…Hindi kayo nagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid” (Job 42:8).
Ang tunay na mahalaga ay ang pagtaas
sa Dios, hindi ang sarili.
Isinulat ni: Julie Ackerman Link
“Panginoon,
ang kaaway kong pagmamataas
Madali akong
kontrolin,
Samo ko
ngayon ako’y patawarin
Puso,
kaluluwa ko Iyong linisin.”
ANG LANGAW NA PINAKAMALAKAS UMUGONG
AY SIYANG NAUUNANG MAPATAY SA HAMPAS.
No comments:
Post a Comment