Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng
mga matuwid.
-Lucas 14:14
Ipagpalagay na isang boss ang
magsasabi sa empleyado, “Talagang nagpapasalamat kami sa paglilingkod mo rito
pero nadesisyunan naming ibahin ang pagpapasweldo sa inyo. Simula ngayon, saka
na kayo babayaran – pagkaretiro ninyo.” Ikaw na empleyado ay mapapalukso ba sa
tuwa? Siyempre hindi. Hindi ganyan ang palakad sa mundo. Gusto nating
makatanggap ng bayad ngayon – buwan-buwan sa araw ng suweldo.
Alam ba ninyo na ipinapangako ng Dios
na saka na kayo “babayaran” – maaaring matagalan. At nais Niyang magalak tayo
sa pangako Niya!
Inihiwatig ni Jesus na ang
Pinakamahalagang gantimpalang pinakahuling tatanggapin para sa mga nagawa natin
sa pangalan Niya ay pagkamatay natin. Sa Lucas 14, sinabi ni Jesus na kung may
malasakit tayo sa nagdadahop, sa mga pilay at mga bulag, tatanggapin natin ang
ating gantimpala sa pagkabuhay na muli ng mga matuwid (Lucas 14:14). Sinabi rin
Niya na pag tayo’y inuusig ay “magalak (tayo), ang (ating) gantimpala ay nasa
langit” (6:22-23). Tiyak na bibigyan tayo ng Panginoon ng aliw, pag-ibig at
patnubay ngayon, ngunit kamangha-manghang mga bagay ang pinaplano Niya para sa
ating hinaharap!
Maaaring hindi ganito ang pinaplano
natin, dahil hindi natin gustong maghintay sa mga bagay. Ngunit isipin nalang
kung gaanong kaluwalhatian kapag tumanggap ng gantimpala sa presensiya ni
Jesus. Napakaligayang mga sandali ang matatamasa sa pagtanggap ng inireserba ng
Dios para sa atin.
ISINULAT NI: DAVE BRANON
“Sa dulo ng
lungkot sa mundo ay kagalakan sa langit.
Walang
hanggang pagpapala, kapiling ang Panginoon;
Kay sarap
magpahinga kay Jesus,
At may
gantimapala pa roon.”
ANG GINAWA PARA KAY JESUS SA BUHAY
DITO AY GAGANTIMPALAAN SA HINAHARAP.
No comments:
Post a Comment