Sunday, June 4, 2017

PARA NGAYON AT MAGPAKAILANMAN

Tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim na may kapangyarihang magligtas ng inyong mga kaluluwa.
-Santiago 1:21

Malaking sindak ang sumaklot sa puso ng isang sundalo sa mga bomba at baril na nagpuputukan sa paligid niya, at papalapit na mga kalaban. Bigla niyang naramdaman ang masakit na tama ng bala sa dibdib at braso niya. Ngunit di pa ito ang katapusan ng sundalong ito. Ayon sa New York Times, napabagal ang tama ng bala ng isang Bagong Tipan na nasa bulsa niya. Marami nang taong nakalipas, ngunit hanggang ngayon iniingatan pa niya ang duguang Biblia na may butas sa gitna. Paniwala niya, ito ang nagligtas ng kanyang buhay.

Magandang kuwento ito ngunit walang sinasabi tungkol sa espiritwal na kaligtasan ng buhay, na layuning ibigay ang Bibliang ito. Sa Ezekiel 33, mababasa na ginagamit ng mga Israelita noong unang panahon ang salita ng mga propeta upang umigi ang pakiramdam nila sa sarili, hindi para baguhin ang kanilang buhay. Mali ang paggamit nila sa pangako ng Dios, kay Abraham na suportahan ang pag-angkin nila sa lupain (t.24). Naliligayahan sila sa salita ng propeta (t.30), ngunit sinabi ng Panginoon kay Ezekiel, “Naririnig nila ang salita mo, ngunit hindi nila ginaganap” (t.31). Ang bunga? Naipailalim sila sa hatol ng Dios.

Noon at maging ngayon, di dapat na gawin ang Salita ng Dios na parang anting-anting o pansamantalang pang-aliw lang sa gitna ng kabalisahan. Ibinigay ang Salita para sundin at ang biyaya nito ay di lang para sa ngayon – kundi magpakailanman.

Isinulat ni: Mart De Haan

“Ang Salita ay ilaw sa paa ko
Liwanag sa aking daan
Gabay, kaligtasan sa sala
At daan tungo sa kalangitan.”


HINDI NATIN TUNAY NA ALAM ANG BIBLIA HANGGANG DI NATIN SINUSUNOD ITO.

No comments:

Post a Comment