Sunday, June 4, 2017

PAGREREKLAMO AT ANG LUNAS DITO

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, ang pag-ibig ay hindi mainggitin, o mapagmalaki o hambog.
-1 Corinto 13:4

Isang lalaking may sira ang ulo ay laging kumakamay sa Pastor pagkatapos ng bawat paglilingkod. Ngunit madalas may kasamang pintas, tulad nito, “Ang haba ng sermon mo” o “Marami kang sinasabi tungkol sa sarili mo” o “Nakakainip ang sermon mo.” Apektado ang Pastor kaya binanggit ito sa isang diakono. Sagot nito, “O, huwag mong pansinin iyon. Inuulit lang niya ang sinasabi ng iba.”

Ang pagrereklamo ay napaka-pangkaraniwan sa mga Cristiano, at ang iba ay naging ugali na ito. Magaling sila sa pagpuna ng kamalian ng sinumang masipag, nagsisikap na maglingkod sa Dios. At walang pagdududa, tayong lahat ay naging reklamador din minsan.

Ang pinakamabisang lunas sa masamang ugaling ito ay pag-ibig ng Cristiano, madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Una, piliin nating hangaring mangyari ang pinakamabuti mula sa Dios para sa kanila. Ang pag-ibig ay “matiisin, magandang-loob, hindi mainggitin, hindi magaspang ang kilos, hindi pinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali” (1 Corinto 13:4-5). Sa pagdedepende natin sa Panginoon, sanaying ipamuhay ang pag-ibig na ganito araw-araw.

 Sa susunod na natutukso kang pintasan ang isang tao, labanan ito at gumawa ng mabuti para sa taong ito (Galacia 6:10). Gawin itong may pagsisikap, pagtitiis at katapatan, at darating ang panahon na matatanggal din ang pagka-reklamador mo.

-Herb Vander Lugt

“Di ko pipintasan ang isang naglilingkod
Ang isang nakikinig ng Salita ng Dios at Siya’y sinusunod
Ngunit ang sarili ko aking hahatulan o Panginoon
At ihahayag sa Iyo aking kasalanan.”


HUWAG MAGHANAP NG MAIPIPINTAS. HANAPIN ANG LUNAS SA UGALING ITO.

No comments:

Post a Comment