Sunday, June 4, 2017

NAIPONG KASALANAN

Taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang… kapangyarihan ay mula sa Dios.
-2 Corinto 4:7

May mga windmill sa ibang bansa noong mga nakaraang siglo. Ginagamit ito sa pagpapadaloy ng tubig at paggiling ng mga butil. May mga windmill ngayon na ginagamit naman para sa paglikha ng kuryente.

Kapag malakas ang hangin, mabilis ang pagtakbo ng elisi. Marami itong tinatamaang insekto at dumidikit ang mga ito sa elisi. Nagiging sanhi ito ng paghina ng kuryente, kaya kailangang linisin ng nagpapatakbo ng windmill ang elisi para hindi humina ang kuryente.

Ang pagdami ng kasalananan sa buhay ng mga nagtitiwala kay Cristo ay nagiging problema din. Nagbigay ang Dios ng paraan kung paano ito lilinisin. Dapat natin itong ihingi ng tawad sa Dios at lilinisin Niya ito (2 Juan 1:9.) Pero hanggat hindi tayo humihingi ng tawad sa Dios, manghihina tayo. Ito ay dahil sa ang lakas para mamuhay nang nararapat ay nanggagaling sa Dios at hindi sa atin (2 Corinto 4:7.) Kapag namumuhay tayo ayon sa sariling lakas, mabibigo tayong mamuhay nang nararapat sa Dios. Para tayong windmill na nadidikitan ng mga insekto. Kung pagsisisihan natin ang ating mga kasalanan, lalo nating mararanasan ang lakas o kapangyarihan ng Dios.

-Cindy Hess Kasper

“Ang mga kasalanan ang nagpapahina,
Sa mga kakayahan ng mananampalataya;
Pagsisisi ang magpapanumbalik ng lakas,
‘Pag ang sala’y pinatawad at nilinis nang wagas.”


KASALANA’Y NAKAKAPANGHINA, PAGSISISI’Y NAKAPAGPAPALAKAS.

No comments:

Post a Comment