Sunday, June 4, 2017

TONSILITIS JONES

Sa Antioquia, ang mga alagad ay pinasimulang tawaging Cristiano.
-Gawa 11:26

Isang eksperto sa sikolohiya ang naka-obserba na may masamang panghabang-buhay na epekto sa mga bata ang kanilang pangalan. Ito ay nangyari sa kaso ng isang batang pinangalanan ng mga magulang na Tonsilitis Jones. Nagkaroon siya ng problema sa eskuwela at naulit pa nang nagtangka siyang pumasok sa Navy.

Mula sa personal na karanasan ko, ang ating pangalan ay may epekto sa sariling damdamin, maging sa ating ugali. Dahil ang ama ko ay kilalang mangangaral sa pangalang De Haan, pakiramdam ko, mas mataas ang inaasahan sa akin kaysa sa mga kapatid ko. Ngunit ang apelyido namin ay nakatulong na magpaalaala ng mabubuting pananaw na siyang pumapatnubay sa akin.

Ayon sa ating susing talata, unang tinawag na Cristiano ang mga disipulo ni Jesus sa Antioquia. Ito’y pangalan na di na mapabubuti pa dahil ipinakilala na nito ang mga mananampalataya na tagasunod ni Jesu-Cristo. At isang karangalan na ang pangalang ito ay nakakawing sa Anak ng Dios, ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Dapat mahubog nito ang paraan ng ating pamumuhay para unti-unting umayon o maparis sa paraan ng pagsasalita at asal ni Jesus.

Kung gusto nating matawag na Cristiano, mamuhay nang karapatdapat sa pangalang ito.

Isinulat ni: Richard De Haan

“Matulad nawa sa Iyo, o Manunubos
Mithiing laging idinadalangin
May galak na itaya lahat kong yaman
Matulad lang, O Jesus sa Iyong kagandahan.”


ANG CRISTIANO AY PUWEDENG MAGING BIBLIANG BUHAY O MAPANIRA NG BUHAY.

No comments:

Post a Comment