Sunday, June 4, 2017

MGA NAWAWALANG AKLAT?

Ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesus ay hindi sa Dios. Ito ang espiritu ng Anti-Cristo.
-1 Juan 4:3

Gusto ng lahat ang isang magandang kuwento, ngunit maraming tao ang naniniwalang totoo ang pinakamabiling nobela, The Da Vinci Code (Ang Kodigo ni Da Vinci.)

Sentro sa aklat ay ang sinasabing mga nawawalang “aklat” ng Biblia. Sinabi rito na naging asawa raw ni Jesus si Maria Magdalena at may mga anak sila. Ang radikal na kasinungalingang ito ay nagliligaw ng maraming tao. Ang mga nawawalang librong ito ay natagpuan daw sa Nag Hammadi, Ehipto noong 1945. Pinabubulaanan nito ang Cristo ng Biblia at nagiging promoter ng pagsamba sa dios-diosan, sa sarili, at mahihiwagang kaalaman.

Kaya, bakit di isinali ito ng iglesiang Cristiano sa Biblia? Dahil di ito pumasa sa panulat at pamantayan ng tunay na katotohanan ng Biblia na may ganitong mga tanong:
1.Ang mga sumulat ba ay mga hinirang ni Jesus na Apostol?
2.Malawakan bang tinanggap ng mga lider ng Iglesia?
3.Nangusap ba ang Espiritu ng Dios dito?

Hindi nakapaas ang mga “nawawalang libro” sa lahat ng tanong. At naipasa ng Bagong Tipan ang lahat.

Pag pinagdududahan ng iba ang kahalagahan at katotohanan ng Kasulatan, magalang na ipabatid sa kanila ang tungkol dito. Baka naisin nilang mas makilala pa ito. At ang ating Dios.

-Dennis Fisher

“Ang Salita ng Dios ay dalisay, walang hanggan
Matatag, di kailanman matitinag
Lahat ng inisip ng tao at binalak
Gaya ng ipa, ililipad at mawawalang lahat.”

SA MARUNONG, SAPAT NA ANG SALITA NG DIOS.


No comments:

Post a Comment