Kayo mga minamahal, patatagin ninyo
ang inyong sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, manalangin sa
Espiritu Santo; ingatan ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Dios.
-Judas 1:20-21
Sabi ni Saul Gellerman sa aklat
niyang How People Work (Paanong Gumawa Ang Tao), “Ang paglutas ng mahihirap sa
problema sa opisina o sa negosyo ay maaaring mangailangan ng kasalungat na
ideya sa dati nang mga pamamaraan.”
Mga tagapayong nagtataguyod ng
ganitong kaisipan ay isang simpleng pagpapatibay sa payo ni Jesus. Paulit-ulit
na inudyukan Niya ang mga tagasunod na gawin ang tama kaysa sundin ang sariling
gusto o kutob ng loob.
Sabi ng sarili, “Gusto ko iyan.” Sabi
ni Jesus, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap” (Gawa 20:35.)
Sabi ng makasariling likas, “Ako muna.” Sabi ni Jesus, “Ang huli ay mauuna at
ang una ay mahuhuli” (Mateo 20:16.) Sabi
ng kutob ng loob, “Bubuti ang aking pakiramdam kung makapaghihiganti ako.” Sabi
ni Jesus, “Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo” (Lucas 6:27.)
Ang pagkagusto sa isang bagay ay
hindi ibig sabihing mabuti ito. Ang pagkakamit ng isang bagay ay hindi
nagpapa-importante rito. At ang pagkakaantig ng damdamin ay hindi pinagiging
tama ito. Tulad ng isinulat ni Judas, ang pagsunod sa sariling gusto at kutob
ay nagre-resulta ng gulo at pagkakahati-hati (1:18-19.)
Ang magagawa ay maging espirituwal,
hindi sinusunod ang natural na likas. Ang totoo, Dios lang ang makapagbibigay
ng espirituwal na kalakasan.
Isinulat ni: Julie Ackerman Link
“Nais kong
lalong-lalo pa,
Na si Jesus
makilala
Pagtubos sa
aking sala
Maibahagi sa
iba.”
MAPAGKAKATIWALAAN MO IYONG MGA KUTOB
KUNG NAGTITIWALA KA KAY CRISTO.
No comments:
Post a Comment