Sunday, June 4, 2017

PAMBUNGAD NA PROGRAMA

Ang lahat ng mga bansa ay… sasamba sa harapan Mo; sapagkat ang Iyong mga matuwid na gawa ay nahayag.
-Pahayag 15:4

Maraming humanga sa pambungad na programa ng Olympics noong 2008. Isang komentarista ang nagsabi na kahanga-hanga talaga ang nagiging resulta kapag walang limitasyon ang budyet ng gumagawa.

Nang marinig ko iyon, naisip ko na ganoon ang ginawa ng Dios sa paglikha. Wala siyang limitasyon kaya kahanga-hanga ang mga nilikha Niya.

Walang maipipintas sa pambungad na programang iyon ng Olympics pero kung binago ng isang mananayaw o manunugtog ang ninanais na mangyari ng gumawa ng programa, mayroon nang maipipintas doon.

Wala ring maipipintas sa paglikha ng Dios. Pero nang bigyan ng Dios ng kalayaan sina Adan at Eba na magpasya kung ano ang kanilang gagawin, binago ng dalawa ang plano ng Dios. Pinalitan nila ito ng inaakala nilang mas mabuti. Kaya nagkaroon na ng kapintasan ang gawa ng Dios. Nagkanya-kanya na ng lakad o nagsilihis ng landas ang bawat tao (Isaias 53:6).

Ang paglihis natin sa tamang landas ay itinuwid ng Dios. Kay laki ng Kanyang isinakripisyo para ayusin ang ating daan. Balang araw, magkakaroon rin ng isang ‘pambungad na programa’ at sa panahong iyon, sasambahin ng lahat ang Panginooong Jesus (Filipos 2:10).

Isinulat ni: Julie Ackerman Link

“Kay husay ng Dios sa Kanyang paglikha,
Pero lalong mas dakila ang Kanyang biyaya;
Nang tao’y magkasala’t Siya’y palumbayin,
Isinugo si Cristo para sala’y akuin.”


WALANG HANGGAN NATING PURIHIN ANG DIOS, SIMULAN NA NATIN NGAYON.

No comments:

Post a Comment