Magpanalanginan sa isa’t isa.
-Santiago 5:16
Isang pakikipag-usap sa Dios ang
panalagin, hindi isang panimula. Ngunit minsan gumagamit tayo ng paraan upang
pasariwain ang oras ng pananalangin. Magagamit natin ang mga Awit o ibang
talata ng Kasulatan tulad ng “Lord’s Prayer”, o ang ACTS – Adoration
(pagsamba), Confession (paghayag ng pagsisisi), Thanksgiving (pagpapasalamat),
at Supplications (paghiling.) Kamakailan, nabasa ko ang tungkol sa paraang
“Limang Daliring Panalangin” na puwedeng gamiting patnubay sa pananalangin:
-Sa paglalapat ng ating mga palad,
ang hinlalaking daliri ang pinakamalapit sa iyo. Kaya makapagsisimula ka sa
pananalangin para sa mga taong malalapit sa iyo – ang mga mahal mo sa buhay
(Filipos 1:3-5).
-Ang hintuturo ay panturo.
Ipanalangin ang mga nagtuturo – guro sa Biblia, mga tagapagpahayag, at titser
sa Sunday School (1 Tesalonica 5:25).
-Ang pang-gitnang daliri ay ang
pinakamahaba o pinakamataas. Paalaala ito na ipanalangin ang matataas o mga
pinunong may awtoridad, pambansa man at local, at pang-iglesia at pang-trabaho
(1 Timoteo 2:1-2).
-Ang ika-apat na daliri ay ang
pinakamahina. Ipanalangin ang mga namomoroblema at ang mga nagtitiis ng hirap
(Santiago 5:13-16).
-Ang ika-lima ay ang maliit na daliri.
Paalaala ito ng kaliitan mo sa harap ng napakadakilang Dios. Manalanging ibigay
ang lahat mong pangangailangan (Filipos 4:16, 19).
Anumang paraan ang gamitin, basta
makipag-usap sa Ama. Nais Niyang marinig ang laman ng iyong puso.
ISINULAT NI: ANNE CETAS
“Tumataas
ating dalangin sa trono sa itaas
Anumang
paraan o porma ang gamitin;
Laging
dinirinig ng Ama, dalangin ng Kanyang anak
Anumang
salita ang piliing gamitin.”
HINDI ANG MGA SALITANG BINIBIGKAS ANG
MAHALAGA KUNDI ANG KALAGAYAN NG ATING PUSO.
No comments:
Post a Comment