Sunday, June 4, 2017

TAWAG NG KASALUKUYAN

Mangyari sa akin ang ayon sa Iyong mga Salita.
-Lucas 1:38

Simple lang ang buhay ng ina ni Jesus. Ang mga gawain niya ay gaya ng ibang ka-edad niya, natutong magkaroon ng maayos na tahanan para sa magiging asawa sa hinaharap. Walang pagkakaiba ang pamumuhay niya sa karaniwan, at walang ipinahayag sa Kasulatan tungkol dito.

Ngunit may nakatago palang yaman ng biyaya sa karakter ni Maria! Nang sabihin sa kanya ng anghel na ang isisilang niya ay tatawaging “ang Anak ng Dios” ang sagot niya, “Mangyari sa akin ayon sa iyong mga Salita” (Lucas 1:38).

Ang tugon niya ay naglalaman ng lahat ng kailangan ng Dios – isang malinis, simpleng pagpapasakop ng kaluluwa sa Kanyang kalooban. Ito ang sikreto ng malalim na espirituwalidad ni Maria. Isinuko niya ang sarili sa kalooban ng Dios pagkarinig ng pahayag at tumanggap ng biyaya para gawin niya ang nais ng Dios.

Ikaw, ano ang pinapagawa ng Dios sa iyo? Maaaring kahangahanga ito o kaya ordinaryo lang. maaaring isang tapat na pagsunod sa isang utos ng Biblia o matiyagang pagtititiis sa pagsubok.. “Kung anumang loobin ng Dios na iparanas sa atin sa bawat saglit, iyon ang pinakabanal na pangyayari sa buhay” sabi ni Jean Pierre di Causade; isang manunulat noong ika-18 siglo.

Handa ka bang tanggapin ang bawat saglit na may galak at pagpapasakop? Isasagot mo ba sa Panginoon ang sinagot ni Maria sa anghel, “Mangyari sa akin ang ayon sa iyong mga Salita?”

-David Roper

“Matutuhan nawa namin ang masayang sikreto,
Ng pagkalugod sa Iyong kalooban,
Tinatanggap anumang ipadala sa amin,
Mabuti o masama, galak o kalungkutan.”


ANG MALAMAN ANG KALOOBAN NG DIOS AY ISANG KAYAMANAN. ANG GAWIN ANG KALOOBAN NG DIOS AY ISANG PRIBILEHEYO.

No comments:

Post a Comment