Sunday, June 4, 2017

TALAGANG GANYAN

Kayo’y magsikap na kasama ko sa inyong mga panalangin sa Dios para sa akin.
-Roma 15:30

Sa librong Dear Zoe, sinulat ni Maz De Pree, “Ang paraan ng paglalagak ng problema sa Panginoon ay paghingi ng tulong sa mga tao Niya.”

Bago siya lumipad sa Europa, nalaman ni Max na buntis ang anak niyang babae, ngunit may hidwaan silang mag-asawa. Natuwa siya pero nalungkot din sa pananalangin para sa anak.

Kinabukasan, ipinagtapat niya sa matalik na kaibigang si David Hubbard, na nag-aalala siya sa kanyang pagpunta sa Europa. Hiniling niya kay David na kung maaari ay alamin lagi ang nangyayari sa anak – tawagan o bisitahin ito kung kailangan. Tiniyak ni David na gagawin niya ito. Gumaan ang loob ni Max ngunit naguluhan, kaya nagtanong kay David, “Bakit kaya mas magaan ang loob ko ngayon kaysa kagabi nang ilagak ko siya sa Dios?” Mahinahon at may pagmamahal na sagot ni David, “Ganyan kung paanong gumawa ang mga sangkap sa katawan ni Cristo, dumedepende sa isa’t isa.”

Malawak at malalim ang pagkaunawa ni Pablo sa katotohanang ito. Sa nagbabantang pagharap sa posibleng pag-uusig ng mga hindi mananampalataya sa Jerusalem, hiniling niya na damayan siya sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng pananalangin na siya’y maligtas sa kanilang pagsalungat (Roma 15:30-31.)

Panginoon, tulungang magpakumbaba at humingi ng tulong sa Iyong mga anak.

Isinulat ni: Dennis De Haan

“Ibinibigay ng Dios ang ating pinakamahigpit na pangangailangan sa pamamagitan ng kapwa Cristianong malalapitan. Sila, na handang tayo’y tulungan. Sila na mga lalaki’t babaeng kapatiran.”

Dalhin ninyo ang mga pasanin ng isa’t isa, at sa gayon ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

-Galacia 6:2

No comments:

Post a Comment