Sunday, June 4, 2017

LAGING KASAMA

Alamin mo na Ako’y kasama mo at iingatan kita saan ka man pumunta.
-Genesis 28:15

Minsan, natrapik kaming mag-asawa. May snow at nagyeyelo ang kalsada kaya maraming naaksidente. Hindi makatakbo ng mabilis ang mga sasakyan. Mahirap mag-preno at dumudulas ang mga sasakyan. Nakahinga kami ng maluwag nang lumabas na kami sa expressway at tinatahak na namin ang daang malapit na sa aming pupuntahan. Kaya sinabi ng aking asawa, “Salamat po Panginoon. Kaya ko na pong magmaneho simula dito.”

Kasasabi lang niya nito nang biglang dumulas at umikot ang aming sasakyan. Bumilis ang tibok ng aming puso. Nang tumigil na sa pag-ikot ang sasakyan, naisip tuloy namin na parang sinabi ng Dios, “Kaya mo na ba talaga?”

Bakit kaya kung minsan ay gumagawa tayo na para bang hindi natin kailangan ang tulong ng Dios gayong sa bawat sandali ay kasama naman natin Siya? Sinabi ng Dios, “Ako’y kasama mo at iingatan kita saan ka man pumunta” (Genesis 28:15). Tiniyak din ng Dios sa atin na hindi Niya tayo iiwan o pababayaan man (Hebreo 13:5).

Masayang malaman na lagi nating kasama ang Dios. Hindi natin kailangang harapin ang buhay nang hindi Siya kasama.

Isinulat ni: Cindy Hess Kasper

“Habang tinatahak ko ang buhay na ito,
Araw-araw ay laging sinasamahan ni Cristo;
Bagamat paliku-liko ang aking dinadaanan,
‘Di ako maliligaw, Hindi Niya iiwanan!”


MALAKING KAALIWAN ANG MALAMANG SINASAMAHAN TAYO NG DIOS.

No comments:

Post a Comment