Ipahahayag ko ang aking pangalan sa
Panginoon; at Iyong ipinatawad ang bigat ng aking kasalanan.
-Awit 32:5
Nagdagdag ng buhay sa aming bahay ang
binili kong rubber plant (halamang kinukunan ng goma.) Ngunit isang umaga ang
mga dahon nito ay naluoy, tila matamlay na matamlay. Di ko maunawaan kung anong
nangyari.
Nang umuwi ako para mananghalian,
nagbago ang halaman. Tulad ito noong kabibili ko na lamang. Berdeng-berde at
nakatuwid ang mga dahon, buhay na buhay. Nang tanungin ko si Dorothy tungkol sa
pagbabago, may nabasa raw siya na para laging sariwa at masigla ang dahon ay
pahiran ang alikabok araw-araw. Natatakpan ng alikabok ang mga ito at hindi
nasisinagan ng liwanag. Ginawa niya ito at ang resulta ay katakataka.
Sa buhay natin sa mundo ay may mga
“pira-pirasong” kasalanang madaling naiipon sa ating buhay. Mga galit,
mararahas na salita, maruming isip at makasariling ugali – lahat ay
nagpapalupaypay sa espiritwal nating kasiglahan. Kung hindi sila agad ihahayag
sa Panginoon, magkakasapin-sapin ang alikabok ng kasalanan at hahadlang para
maranasan sa puso natin ang biyaya ng Dios. At mahahalata ng nakapaligid sa
atin na tumatamlay tayo. Kung natambak na ang mga kasalanan sa kaluluwa mo na
di mo naihayag, gawin ang ginawa ni David – ihayag at pagsisihan sa harap ng
Panginoon (Awit 32:5.)
Pahiran lahat ang maalikabok na dahon
ng iyong buhay, at tamasahin muli ang maluwalhating liwanag ng pag-ibig ng
Dios.
-Dennis De Haan
“Sa harap ng
Krus na kinamatayan ni Cristo
Nagpapatirapa
ako, humihingi ng tawad;
Sa bawat
kasalanang ihahayag sa Kanya
Siya’y
naging lahat, lahat sa akin.”
ANG PAGPAPAHAYAG NG KASALANAN AY
NAGPAPASOK NG LIWANAG NG KAPATAWARAN NG DIOS.
No comments:
Post a Comment